Hari pagkatapos ni Reyna Atalia, Ikapitong Hari ng Juda o Walong Pinuno ng Juda From Wikipedia, the free encyclopedia
Si Jehoash (Hebrew: יְהוֹאָשׁ, Modern: Yəhōʾāš, Tiberian: “Jehovah-given”; Griyego: Ιωας; Latin: Joas) o Joash (sa King James Version), Joas (sa Douay–Rheims) o Joás (Hebrew: יוֹאָשׁ, Modern: Yōʾāš, Tiberian: {{{3}}}),[1] ay isang hari ng Kaharian ng Juda at anak ni Ahaziah ng Juda. Siya ay naghari sa edad na 35 noong ika-7 na taon ng paghahari ni Jehu na hari ng Kaharian ng Israel at naghari ng 40 taon sa Kaharian ng Juda(2 Hari 12:1-2). Ang kanyang ina ay si Zibia . Ayon sa 2 Hari 12:2-2, At gumawa si Jehoash ng matuwid sa harap ng mga mata ng Panginoon, sa lahat ng kaniyang kaarawan na ipinagturo sa kaniya ni Jehoiada na saserdote. Gayunpaman, "ang mga mataas na dakol ay hindi inalis" at ang bayan ay nagpatuloy na naghahain, at nagsusunog ng kamangyan sa mga mataas na dako.(2 Hari 12:3) Ito ay salungat sa 2 Kronika 23:16-17 na sa panahon ni Jehoash, si Jehoiada ay nakipagtipan haring si Jehoash na sila'y magiging bayan ng Panginoon. At ang buong bayan ay naparoon sa bahay ni Baal, at ibinagsak, at pinagputolputol ang kaniyang mga dambana at ang kaniyang mga larawan, at pinatay si Mathan na saserdote ni Baal sa harap ng mga dambana."
Joas | |
---|---|
Jehoash from Guillaume Rouillé's Promptuarii Iconum Insigniorum, 1553 | |
c. 836–796 BCE | |
Predecessor | Athaliah, lola |
Successor | Amazias, anak |
Consort | Joaddan ng Herusalem |
Anak | Amazias |
Sambahayan | Sambahayan ni David |
Ama | Ahazias ng Juda |
Ina | Zibias ng Beersheba |
Kapanganakan | c. 843 BCE Herusalem, Kaharian ng Juda |
Kamatayan | c. 796 BCE (edad 45 o 46) Millo, Jerusalem |
Libingan | City ni David |
Sa Ebanghelyo ni Mateo Kapitulo 1, sa heneaolohiya ni Hesus upang patunayang si Hesus ang mesiyas mula sa angkan ni David, si Jehoash kasama nina Ahaziah, Amaziah at Jehoiakim ay inalis bilang mga ninuno ni Hesus at sinabing ang ama ni Jeconias ay si Josias.
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.