James Reid

From Wikipedia, the free encyclopedia

James Reid

Si Robert James Reid,[fn 1] higit na kilala bilang James Reid (ipinanganak noong 11 Mayo 1993 sa Sydney, Australya), ay isang Pilipino-Australyano na mang-aawit, artista, mananayaw, at kompositor na may dobleng pagkamamamayang Pilipino at Australyano.[1] Nakilala siya matapos pangalanan bilang Big Winner ng Pinoy Big Brother: Teen Clash 2010. Kilala rin siya dahil sa kanyang pagganap bilang Spencer Ziff sa Good Vibes, Cross Sandford sa Diary ng Panget, at Timothy Odelle Pendleton sa Talk Back and You're Dead.

Agarang impormasyon Kapanganakan, Nasyonalidad ...
James Reid
Thumb
Si Reid noong 27 Mayo 2016
Kapanganakan
Robert James Reid[fn 1]

(1993-05-11) 11 Mayo 1993 (edad 31)
Royal North Shore Hospital, Sydney, Australya
NasyonalidadPilipinong-Australyano
Ibang pangalanHayme / Jaime
EdukasyonMakati Science High School
Karabar High School Distance Education Centre
Trabaho
Aktibong taon2010–kasalukuyan
AhenteStar Magic (2010–2012)
Viva Artist Agency (2012–kasalukuyan)
Kilala saPinoy Big Brother: Teen Clash 2010
Spencer Ziff sa Good Vibes
Cross Sandford sa Diary ng Panget
Timothy Odelle Pendleton sa Talk Back and You're Dead
Karera sa musika
Genre
Instrumento
Taong aktibo2010–present
LabelStar Records (2010–2012)
Viva Records (2012–kasalukuyan)
Isara

Ang kanyang paunang album na may pangalang sunod sa kanya, ang James Reid ay inilabas sa pormang digital sa iTunes at sa pisikal na porma noong 4 Setyembre 2013. Ang ikalawang album ni Reid, ang Reid Alert ay inilabas naman sa pormang digital sa iTunes[2] at sa pisikal na porma noong Araw ng mga Puso ng 2015 ng Viva Records na nag-umpisa sa #2 sa talaan ng mga album pangmusikang pop sa Pilipinas, kasunod lamang ng 1989 ni Taylor Swift.

Mga nota

  1. Ipinanganak si James Reid sa Australya, kung kaya hindi niya ina-angkin ang kanyang panggitnang pangalan na Marquinez.

Mga sanggunian

Mga kawing panlabas

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.