From Wikipedia, the free encyclopedia
Si Jake Zyrus (ipinanganak Mayo 10, 1992; dating may stage name na Charice Pempengco) ay isang Pilipinong mang-aawit na sumikat dahil sa pamamagitan ng Youtube. Binansagan ni Oprah Winfrey bilang Pinakatalentandong batang babae sa Daigdig (noong bago pa siyang sumailalim sa gender transition),[2] at inilabas niya ang kanyang unang internasyunal na studio album na Charice noong 2010. Pumasok sa ika-pitong pwesto ang album sa Billboard 200, na naging dahilan upang si Zyrus ang kauna-unahang Asyanong solong mang-aawit na nakapasok sa kasaysayan ng Top 10 ng tsart ng Billboard 200.[3] Sa paglalantad ng tunay na katauhan bilang isang transman at pagbabagong anyo nito, nagpasimula namang bumagsak ang kaniyang karera sa larangan ng pagkanta. Ang dating pang-internasyunal na boses ay hindi na kinilala ng karamihan. Sa kabila nito’y naging mas masaya naman ang mang-aawit dahil sa pinili nitong landas.[4]
Jake Zyrus | |
---|---|
Kabatiran | |
Kilala rin bilang |
|
Kapanganakan | Lungsod ng Cabuyao, Laguna, Pilipinas | 10 Mayo 1992
Genre | R&B, pop, soul, rock, sayaw, hip hop |
Trabaho | Mang-aawit, songwriter, recording artist, aktres, mananayaw, prodyuser ng musika, Hurado sa The X Factor Philippines |
Taong aktibo | 2005–kasalukuyan |
Label | 143/Reprise, Warner Bros. Records[1] |
Website | charicemusic.com |
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.