Siargao

pulo sa Pilipinas From Wikipedia, the free encyclopedia

Siargaomap
Remove ads

Ang Siargao ay isang pulo na hugis-patak sa Dagat Pilipinas na matatagpuan 196 kilometro timog-silangan ng Tacloban. Ang area ng lupa nito ay humigit-kumulang 437 square kilometro (169 mi kuw). Ang baybayin nito sa silangan ay medyo tuwid na may isang malalim na ilug-ilugan, Daungang Pilar. Ang baybay-dagat ay minamarkahan ng magkakasunod na bahura, malilit na tangway at mapuputing buhanginan.

Agarang impormasyon Heograpiya, Mga koordinado ...

Ang mga kalapit na isla ay may magkakatulad na anyong lupa. Kilala ang Siargao bilang kabisera ng pagsusurp sa Pilipinas, at binoto bilang Best Island in Asia (Pinakamagandang Isla sa Asya) sa 2021 Conde Nast Travelers Readers awards.

Ang pulo ay nasa hurisdiksyon ng lalawigan ng Surigao del Norte, at binubuo ng mga munisipalidad ng Burgos, Dapa, Del Carmen, General Luna, San Benito, Pilar, San Isidro, at Santa Monica.

Remove ads

Etimolohiya

Nagmumula ang pangalan sa salitang Bisaya na siargaw o saliargaw (alagaw), isang espesye ng bakawan na tumutubo sa kapuluan.[1]

Kasaysayan

Unang nasaksihan ng mga Europeo ang Pulo ng Siargo noong si Bernardo de la Torre, isang Espanyol na nabigador, ay nakasakay sa karakang San Juan de Letrán noong 1543 nang sinubukan niyang bumalik mula sa Bagong Espanya mula sa Sarangani. Iginuhit ito sa mapa sa pangalang Isla de las Palmas (Pulo ng Palma sa wikang Kastila).[2]

Noong December 16, 2021, tumama ang Bagyong Odette sa lugar bilang Kategoryang 5 super bagyo. Nasalanta ang pulo, at maraming nawasak o nasirang gusali. Naging sanhi ito ng ₱20 bilyong ($400 milyong) halaga ng pinsala.[3]

Remove ads

Heograpiya

Matatagpuan sa Pulo ng Siargao ang isa sa mga pinakamalaking reserba ng kagubatan ng bakawan sa Mindanao. Sumasaklaw ito ng 4,871 ektarya sa Del Carmen.[4] Napakalawak ang mga latian dito, na may potensyal para sa komersyal na pagpaparami ng damong-dagat. Pinagtitirahan ng Crocodylus porosus, isang buwaya sa Indo-Pasipiko, ang masaklaw na kagubatan ng bakawan sa kanlurang baybayin sa may Del Carmen. Noong 2016, nasumpungang patay ang isang malaking ispesimen nito na may sukat na 14 talampakan 9 pulgada (4.50 metro).[5]

Galerya

Mga sanggunian

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads