From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Independência total ay ang pambansang awit ng São Tomé at Príncipe na isang bansa na matatagpuan sa Look ng Guinea sa Afrika. Ang awitin na pinagtibay noong 1975, ay isinulat ni Alda Neves da Graça do Espírito Santo (1926–2010) at nilapatan ng tugtog ni Manuel dos Santos Barreto de Sousa e Almeida (1933–).
Koro:
Buong kalayaan,
Maluwalhating awit ng mga tao,
Buong kalayaan,
Sagradong awit ng labanan.
Dinamismo
Sa pambansang pagsusumikap,
Walang hangganang panunumpa
Sa soberenyang bansa ng São Tomé at Príncipe.
Mga mandirigma na walang armas sa kamay,
Ang pagliyab sa kaluluwa ng mga tao,
Pagtitipon ng kapatiran ng mga isla
Sa paligid ng Walang-kamatayang Inang-bayan.
Buong kalayaan, lubos at kumpleto,
Pagbuo, sa pag-unlad at sa kapayapaan,
Ang pinakamasayang bansa sa Daigdig,
Sa kamay ng kabayanihan ng mga bayani.
Koro:
Nagtatrabaho, nakikipaglaban, nagsusumikap at nananakop,
Patuloy lang kami na may mga higanteng hakbang
Sa krusada ng mga mamamayang tao ng Africa,
Pagtaas ng pambansang watawat.
Boses ng mga tao, naroon, magkakasama,
Malakas na pintig sa puso ng pag-asa
Para maging bayani sa oras ng kahirapan,
Maging isang bayani sa muling pagkabuhay ng bansa.
Koro:
Dinamismo
Sa pambansang pagsusumikap,
Walang hangganang panunumpa
Sa soberenyang bansa ng São Tomé at Príncipe.
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.