From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang unang milenyo BC ay isang panahon sa pagitan ng 1000 BC hanggang 1 BC (ika-10 hanggang unang dantaon BC; sa astronomiya: JD 1356182.5 – 1721425.5).[1] Sumasaklaw ito sa Panahon ng Bakal sa Lumang Mundo at nakita ang paglipat mula Sinaunang Malapit na Silangan tungo sa klasikong antigidad.
Halos dumoble ang populasyon ng mundo sa paglipas ng milenyo, mula mga 100 milyon hanggang sa mga 200–250 milyon.[2]
Nangibabaw ang Imperyong Neo-Asiryo sa Malapit na Silangan sa maagang mga siglo ng milenyo, na humalili ang Imperyong Akemenida noong ika-6 na dantaon BC. Nanghina ang Sinaunang Ehipto at bumagsak ang Akeminida noong 525 BC.
Sa Gresya, nagsimula ang Klasikong Antigidad sa kolonisasyon ng Magna Graecia at naabot ang rurok noong pananakop ng Akeminda at ang sumunod na pagyabong ng kabihasnang Hellenistiko (ika-4 hanggang ika-2 dantaon BC).
Humalili ang Republikang Romano sa mga Estrusko at pagkatapos ang mga Kartigines (ika-5 hanggang ika-3 dantaon). Nakita ang pagbangon ng Imperyong Romano noong pagsasara ng milenyo. Nangibabaw ang mga naunang Selta sa Gitnang Europa habang nasa pre-Romanong Panahon ng Bakal ang Hilagang Europa. Sa Silangang Aprika, bumangon ang Imperyong Nubyo at Aksum.
Sa Timog Asya, humalo ang kabihasnang Vediko sa Imperyong Maurya. Nangibabaw ang mga Eskito sa Gintang Asya. Sa Tsina nakita ng Tagsibol at Taglagas na panahon ang pagbangon ng Confucianismo. Sa pagtatapos ng milenyo, pinalawak ng Dinastiyang Han ang kapangyarihang Tsino tungo sa Gitnang Asya, kung saan nasa hangganan nito ang Indo-Griyego at Iraniyanong mga estado. Nasa panahong Yayoi ang Hapon. Bumangong ang kabihasnang Maya sa Mesoamerika.
Mapaghubog na panahon ang unang milenyo BC para sa mga klasikong relihiyon ng mundo, sa pagbuo ng sinaunang Judaismo at Zoroastrianismo sa Malapit na Silangan, at relihiyong Vediko at Vedanta, Jainismo at Budismo sa Indya. Umunlad ang maagang panitikan sa Griyego, Latin, Hebreo, Sanskrit, Tamil at Tsino. Ang katawagang Aksyal na Panahon, na nilikha ni Karl Jaspers, ay nilaan upang ipahayag ang kahalagahan ng panahon noong mga ika-8 hanggang ika-2 dantaon sa kasaysayan ng mundo.
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.