Humero

Mahabang buto sa itaas na braso From Wikipedia, the free encyclopedia

Ang humero o humerus (mula sa Latin: humerus, umerus o pang-itaas na bisig, balikat; Gotiko: ams o "balikat"; Griyego: ōmos) ay ang mahabang buto ng braso o pang-unahang sanga na nagmumula sa balikat hanggang sa siko.[1]

Huwag itong ikalito kay Homero, isang Griyegong manunula.
Thumb
Harapan ng butong humero.

Sa anatomiya, ito ang nagdurugtong sa paypay o iskapula at sa radyus, at binubuo ng tatlong mga seksiyon:

  • Pang-itaas na sanga ng humero - binubuo ng isang mabilog na ulo, isang makitid na leeg, at dalawang maiikling mga "proseso" o mga tuberosidad (mga usli o mga butong nakausli).
  • Katawan ng humero - hugis silindriko ito sa pang-itaas na bahagi, at mas parang balimbing o tila prisma sa ibaba.
  • Pang-ibabang sanga ng humero - binubuo ng isang may tapyas na kondilo (bilog na bugkol sa dulong sugpungan ng buto) na humuhugpong na kasama ang radyus.

Mga sanggunian

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.