From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Hukbo ng Kwantung (Hapones: 関東軍) ay isang pangkatang hukbo ng Hukbong Imperyal ng Hapon mula 1919 hanggang 1945. Nabuo ang hukbo noong 1906 bilang isang puwersang panseguridad para sa Buwisang Teritoryo ng Kwantung at Timog Manchuriang Sonang Daambakal pagkatapos ng DIgmaang Ruso-Hapones noong 1904-1905, at lumawak sa isang pangkatang hukbo upang suportahan ang mga interes ng Hapon sa Tsina, Manchuria, at Mongolia. Ang hukbong ito ang naging pinakaprestihiyosong atasan sa Hukbong Imperyal ng Hapon, kung saan marami sa mga tauhan nito ang nanalo ng promosyon sa matataas na posisyon sa militar na Hapones at sibil na pamahalaan government, kagaya nina Hideki Tojo at Seishiro Itagaki.
Hukbo ng Kwantung | |
---|---|
Punong Himpilan ng Hukbo ng Kwantung sa Hsinking, Manchukuo | |
Active | Abril 1919 – Agosto 1945 |
Bansa | Imperyo ng Hapon |
Pagtatapat | Emperador ng Hapon |
Sangay | Hukbong Imperyal ng Hapon |
Uri | Hukbong Lakad |
Gampanin | Pangkatang Hukbo |
Sukat | 300,000 (1940) 763,000 (1941) 713,000 (1945) |
Garison/Punong himpilan | Ryojun, Buwisang Teritoryo ng Kwantung (1906–1932) Hsinking, Manchukuo (1932–1945) |
Mga pakikipaglaban | Ikalawang Digmaang Tsino-Hapones
Digmaang Hangganan ng Sobyet-Hapones
Ikalawang Digmaang Pandaigdig
|
Ang Hukbo ng Kwantung ay higit na may kagagawan sa estadong papet ng Hapon na Manchukuo sa Manchuria at nagsilbi bilang isa sa mga pangunahing pwersang panlaban ng Hapon noong Ikalawang Digmaang Tsino-Hapones. Sumuko ang Hukbo ng Kwantung noong Agosto 16, 1945 (ang araw na sumuko ang Hapon) nang nakipag-ugnayan ang mga tropang Sobyet san kanila. Pagkatapos nito ay nabuwag ang hukbo. Naging kasangkot ang hukbo sa marami sa mga pinakamasamang krimen sa digmaan ng Hapon noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig; itinaguyod nito ang Yunit 731, na nagsagawa ng pakikidigmang biyolohikal at mga eksperimento ng tao sa mga mamamayan at sa mga bilanggo ng digmaan.
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.