From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Manchuria (Manchu: Manju, Tradisyunal na Intsik: 滿洲, Pinapayak na Intsik: 满洲, pinyin: Mǎnzhōu, Mongol: Манж) ay isang lumang tawag sa pisikal na rehiyon na Hilagang Silangang Asya. Kinasasakupan nito ang parte ng Tsina, o sa pagitan ng Tsina at Rusya.
Ang Manchuria ang siyang kinaroroonan ng mga Xianbei, Khitan, at Jurchen na gumawa ng maraming dinastiya sa gitna ng Manchuria at Tsina. Dito din nagsimula ang rehiyon ng Manchu, kung saan ang rehiyon ay ipinangalan. Noong ika-17 siglo, naghari ang Manchu at sinakop ang Tsina hanggang sa pagbagsak noong Dinastiyang Qing sa 1911. Ang lupang kinasasakupan ng Manchuria sa Tsina ay hihigit pa sa 1.55 bilyong kilometro kuadrado.
Ang Manchuria ay tumutukoy sa alin mang mga rehiyon na may iba't ibang laki. Ito ay mula maliit hanggang malaki:
Nakikihati ang Manchuria sa hangganan ng Mongolia sa kanluran nito, Siberia sa hilaga, Tsina sa timog nito, at Hilagang Korea timog silangan. Ang Panloob na Manchuria ay malapit sa Dilaw na Dagat at Dagat Bohai sa timog, habang ang Panlabas na Manchuria ay malapit sa Dagat Hapon at Dagat ng Okhostk sa silangan at hilagang silangan.
Ang salitang Manchuria ay isang salin mula sa salitang Manchu na Manju. Matapos ang rebolusyon sa Tsina noong 1911, na naging sanhi sa pagbagsak ng Dinastiyang Qing, ang katawagan sa lugar na kinalagyan ng mga Manchu ay lumbas na "Hilagang Silangan" sa talaan ng mga dokumento ng magsimula ang Republika ng Tsina.
Ang Manchuria ay binubuo ng hilagang parte ng Craton ng Hilagang Tsina, isang lugar na binubuo ng mga magkakapatong na batong Precambrian. Isa pa lamang na hiwalay na kontinente ang Craton ng Hilagang Tsina sa panahong Triassic. Ang kabundukan ng Khingan sa kanluran ay nabuo na rin sa panahong Triassic na nabuo sa pagbunggo ng Craton ng Hilagang Tsina at Craton ng Siberia. Ito ang kahuli-hulihang pangyayari sa pagkakabuo ng Pangaea. Kahit hindi natabunan ng yelo ang Manchuria noong Quartenary, nakitaan ang malalim na parte ng lupain nito ng loess, na namuo sa pagtangay ng mga alikabok na galing sa Himalayas.
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.