Remove ads

Ang Hukbo ng Bayan Laban sa Hapon o Hukbalahap o Huk ay isang organisasyon na kinabibilangan ng mga mandirigmang gerilya sa pamumuno ni Luis M. Taruc.[2] Sila ay lumaban sa mga Hapon noong sakupin nito ang Pilipinas.[2]

Agarang impormasyon Mga pinuno, Mga petsa ng operasyon ...
Hukbalahap
Mga pinunoLuis Taruc
Casto Alejandrino
Mga petsa ng operasyon1942–1954
Punong-tanggapanPampanga
Mga aktibong rehiyonGitnang Luzon
Ideolohiya
Posisyong pampolitikaMalayong kaliwa
Mga kaalyadoPilipinas Komonwelt ng Pilipinas (1942–1946)
Estados Unidos Estados Unidos (noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig na muling pagkuha sa Pilipinas)
Mga kalaban Empire of Japan (noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig na pagsakop sa Pilipinas)
Second Philippine Republic Ikalawang Republika ng Pilipinas (1943–1945)
Pilipinas Pamahalaan ng Pilipinas
Mga labanan at digmaanang paglaban ng Pilipinas laban sa Hapon noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig at ang Rebelyong Hukbalahap
Sinundan ng
Bagong Hukbong Bayan 
Isara

Simula ng Hukbalahap

Nagsimula ang Hukbalahap noong Marso 29, 1942 sa Sitio Bawit, San Lorenzo, Cabiao, Nueva Ecija sa pamumuno ni Luis Taruc.[3] Itinatag ito ng mga pinuno ng mga organisasyon ng mga magsasaka at ng Partido Komunista ng Pilipinas upang labanan ang hukbo ng mga Hapones noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.[4]

Rebelyon ng Hukbalahap

Naging epektibo ang paglaban ng Hukbalahap sa hukbong Hapones noong sakupin ng bansang Hapon ang Pilipinas.[5] Sunod-sunod na pag-atake sa mga Hapones ang ginawa ng Hukbalahap.[3] Pinatay nila ang mga kalabang Hapones at kinuha ang mga armas nito para gamitin ng mga kasapi ng Hukbalahap.[3] Dahil dito ay tumaas ang kumpiyansa ng mga tao sa Hukbalahap na naging dahilan ng pagtaas ng mga sumusuporta dito na tinatayang 5,000 katao.[3] Noong 1943 ay umabot ng 10,000 ang mga aktibong sumusuporta sa Hukbalahap.[3]

Remove ads

Pansamantalang pagtigil ng rebelyon

Sa pagsuko ni Luis Taruc noong May 17, 1954 sa panahon ng panunungkulan ni Ramon Magsaysay bilang Presidente ng Pilipinas, pansamantalang nahinto ang pag-aalsa ng mga Hukbalahap.[6][7][5] Dahil sa mga panukala ng pamahalaang Magsaysay sa repormang agraryo at sariling pamamahala sa lebel ng barangay, tinanggap ni Taruc ang amnestiyang inalok ng pamahalaan ni Magsaysay at pagkatapos ay muling nanirahan ang mga sundalo ng Hukbalahap sa mga bukirin sa Mindanao.[5]

Ipinagpatuloy na rebelyon

Bagama't sumuko si Taruc noong 1954, nanatiling aktibo ang Hukbalahap sa pamumuno ng humalili kay Taruc.[8] Ang sumunod na lider na ito ay nahuli noong 1964.[8]

Mga kababaihan sa Hukbalahap

Tinatayang isa sa sampung kasapi sa Hukbalahap ay babae.[4] Ilan sa mga kababaihang kasapi ng Hukbalahap ay sina Remedios Gomez na kilala bilang "Kumander Liwayway" at Teofista Valerio na kilala bilang “Estrella”.[4]

Pagkilala sa Hukbalahap

Bilang pagkilala sa mga nagawa ng mga miyembro ng Hukbalahap, isang Presidential Decree ang nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos noong Oktubre 7, 1977 para ituring na mga beterano ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig na lumaban para sa Pilipinas.[2] Nagtayo din ng isang monumento para sa Hukbalahap sa loob ng Garden of Peace Memorial Park sa Sta. Monica sa San Luis, Pampanga.[9]

Mga sanggunian

Wikiwand in your browser!

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.

Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.

Remove ads