Hong Kong
Natatanging rehiyong administratibo ng bansang Tsina From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Natatanging Rehiyong Administratibo ng Hong Kong[* 1] ng Republikang Bayan ng Tsina (Ingles: Hong Kong Special Administrative Region of the People's Republic of China; Intsik: 中華人民和國香港特別行政區; Pakinggan), karaniwang tinatawag na Hong Kong (香港), ay isa sa dalawang Special Administrative Region (Natatanging Rehiyong Administratibo) ng Republikang Bayan ng Tsina. Ang isa ay ang Macau. Sumasali ang teritoryong ito sa mga kaganapang pandaigdigan sa ilalim ng pangalang "Hong Kong, Tsina".
Natatanging Rehiyong Administratibo ng Hong Kong 香港特別行政區
| |
---|---|
Wikang opisyal | Tsino, Ingles [1] |
Katawagan | Taga-Hong Kong |
Pamahalaan | |
• Punong Tagapagpaganap | John Lee |
• Pangulo ng Kalupunang Tagapagbatas | Andrew Leung |
Geoffrey Ma | |
Lehislatura | Batasang Kalupunan |
Pagkatatag | |
• Kasunduan ng Nanking | 29 Agosto 1842 |
25 Disyembre 1941 – 15 Agosto 1945 | |
1 Hulyo 1997 | |
Lawak | |
• Kabuuan | 1,104 km2 (426 mi kuw) (ika-183) |
• Katubigan (%) | 4.6 |
Populasyon | |
• Pagtataya sa 2008 | 6,985,200[2] (ika-98) |
• Senso ng 2001 | 6,708,389 |
• Densidad | 6,352/km2 (16,451.6/mi kuw) (ika-4) |
KDP (PLP) | Pagtataya sa 2007 |
• Kabuuan | $293.311 bilyon[3] (ika-38) |
• Bawat kapita | $42,123[3] (ika-10) |
KDP (nominal) | Pagtataya sa 2007 |
• Kabuuan | $207.171 bilyon[3] (ika-37) |
• Bawat kapita | $29,752[3] (ika-27) |
Gini (2007) | 43.4[4] katamtaman |
TKP (2007) | 0.937 napakataas · ika-21 |
Salapi | Dolyar ng Hongkong (HKD) |
Sona ng oras | UTC+8 (HKT) |
Kodigong pantelepono | 852 |
Kodigo sa ISO 3166 | HK |
Internet TLD | .hk |
Hong Kong | |||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
Tsino | 香港 | ||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
Cantonese Yale | Hēunggóng or Hèunggóng | ||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
Kahulugang literal | "Mabangis na Harbour" | ||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
| |||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
Hong Kong Special Administrative Region | |||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
Tradisyunal na Tsino | 香港特別行政區 (香港特區) | ||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
Pinapayak na Tsino | 香港特别行政区 (香港特区) | ||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
Cantonese Yale | Hēunggóng Dahkbiht Hàhngjingkēui (Hēunggóng Dahkkēui) or Hèunggóng Dahkbiht Hàhngjingkēui (Hèunggóng Dahkkēui) | ||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
|
Ang Hong Kong ay binubuo ng Pulo ng Hong Kong , Kowloon, at ang New Territories. Ang Tangway Kowloon ay nakakabit sa New Territories sa hilaga, at ang New Territories ay nakakabit naman sa Kalupaang Tsina pagtawid ng Ilog Sham Chun (Ilog Shenzhen). Sa kabuuan, ang Hong Kong ay mayroong 236 pulo sa Dagat Luzón, kung saan ang Lantau ang pinakamalaki at ang Pulo ng Hong Kong ang ikalawang pinakamalaki at pinakamatao. Ang Ap Lei Chau naman ang may pinakamataas na densidad ng populasyon.
Kasaysayan
Ang Hong Kong ay sakupbayan ng British crown hanggang 1997, nang ito ay ibinalik sa pamamahala ng Tsina. Sa ilalim ng patakaran na "isang bansa, dalawang sistema" , mayroong kapuna-punang antas na autonomiya ang Hong Kong mula sa Kalupaang Tsina, gayun din ang pagpapatuloy nito ng pagkakaroon ng sariling sistemang legal, pananalapi, customs, awtoridad sa pandarayuhan, at sariling pamamahala sa langsangan, kasama na ang pagmamaneho sa kaliwang bahagi ng kalsada. Ang tanggulang pambansa at ugnayang panlabas ay pinamumunuan ng sentral na gobyerno sa Beijing.
Ang pangalang Hong Kong ay magkasing ponetico ng salitang 'Heung Gong' na ang ibig sabihin ay "mabangong layagang-dagat".
Galeriya
- Victoria Peak
- International Finance Centre
- Nathan Road
- Avenue of Stars
- Tsing Ma Bridge
- Hong Kong Tramways
- Hong Kong International Airport
- Noonday Gun
- Wong Tai Sin Temple
- Amah Rock
- Sha Tin Racecourse
- Ap Lei Chau
- Ngong Ping 360
- University of Hong Kong
- The Big Buddha
Talababa
- Sa ortograpiya noong dekada 1960: Hongkong. Batay sa Panganiban, Jose Villa. (1969). "Hongkong". Concise English-Tagalog Dictionary.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Sanggunian
Mga kawing panlabas
Wikiwand in your browser!
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.