Ang hipnosis (Ingles: hypnosis) ay ang kalagayan ng pagkakaroon ng artipisyal na "pagtulog" o katayuan na parang natutulog kung saan nagiging sunud-sunuran ang isang taong nasa ilalim ng hipnotismo (mula sa Ingles na hypnotism) sa sinasabi ng hipnotista, ang taong nagsasagawa ng hipnotismo o paghihipnosis o paghihipnotismo.[1] Naimbento ang salitang hypnosis sa loob ng dekada ng 1800. Nagmula ito sa isang Griyegong salitang may kahulugang "papunta sa pagtulog". Sa kasalukuyan, karamihan sa mga siyentipiko ang sumasang-ayon na magkaiba ang pagtulog at ang hipnosis, bagaman ginagamit pa rin nila ang mga pananatiling "pinatutulog" o "papatulugin" ang kanilang mga pasyente at "paggising" o "gisingin" ang mga ito kapag nanghihipnotismo. Itinuturing na bigo ang isang eksperimento sa hipnotismo kapag tunay na nakatulog ang paksang tao at nagsimula nang maghilik. Bilang dagdag, sumasang-ayon din ang mga siyentipiko na mas kalmado o nakapahinga kaysa karaniwan ang isang taong nahipnotismo, kaya't mas nagnanais itong tumanggap at gumalaw batay sa mungkahi o suhestiyon ng ibang tao.[2]
Hindi natutulog ang isang taong nahipnotismo sapagkat alam niya ang nagaganap o nangyayari sa kanyang paligid, bagaman nagsasalita siya ngunit hindi gaanong nakakakilos katulad ng sa normal niyang kalagayan kung nasa labas ng epekto ng hipnotismo. Sa ilang mga eksperimento, gumagalaw na parang gising ang isang pasyenteng nasa ilalim ng impluwensiya ng hipnosis.[2]
Mga sanggunian
Wikiwand in your browser!
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.