anumang bagay o kilos na maaaring gamitin o gawin, alinsunod sa batas sa Islam From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang halal (Arabe: حلال, ḥalāl) ay isang salitang Arabe na may kahulugang "pinapayagan" sa wikang Tagalog. Sa Koran, sinasalungat ang salitang halal sa haram (ipinagbabawal). Ipinalawig itong binaryong oposisyon na maging mas komprehensibong pag-uuri na kilala bilang "ang limang desisyon": sapilitan, inirerekomenda, neutral, kasisisisi at ipinagbabawal.[1] Pinagtatalunan ng mga hukom sa Islam kung sinasaklaw ng salitang halal ang unang dalawa o unang apat ng mga kategoryang ito.[1] Nitong nakaraang mga taon, binibigyang-diin ng mga kilusang Islam na naghahangad na magpakilos ng masa at mga sumusulat para sa pangkalahatang publiko ang mas simpleng pagkakaiba ng halal at haram.[2][3]
Karniwang nag-uugnay ang salitang halal sa mga batas sa pagkain sa Islam at lalo na sa karneng pinoproseso at inihahanda alinsunod sa mga kahilingang iyon.
Sa pangkalahatan, itinuturing ng Islam na halal ang lahat ng pagkain maliban kung ito ay ipinagbabawal sa hadith o Koran.[4] Kung magiging tiyak, ang mga pagkaing halal ay:
Karne ng baboy ang pinakakaraniwang halimbawa ng pagkaing haram (di-halal). Habang baboy ang tanging karne na tiyakang hindi makakain ng mga Muslim (ipinagbabawal ito ng Koran,[6] Surah 2:173 at 16:115)[7][8] kinokonsiderang haram ang mga ibang pagkain na wala sa kalagayan ng kadalisayan. Kabilang sa mga pamantayan para sa mga pagkaing di-baboy ang pinagmulan nito, dahilan ng pagkamatay ng hayop at kung paano ito ipinroseso. Itinuturing ng karamihan ng Islamikong iskolar na halal ang molusko at iba pang pagkaing-dagat.[9] Halal ang lutuing behetaryano kung wala itong inuming nakakalasing.[10]
Kailangan ding siguraduhin ng mga Muslim na halal ang lahat ng pagkain (lalo na ang mga pinrosesong pagkain), pati ang mga bagay na di-pagkain tulad ng mga kosmetiko at gamot.[11][12] Kadalasan, naglalaman ang mga produktong ito ng mga kakambal na produkto na de-hayop o mga ibang sangkap na hindi maaaring kainin o gamitin ng mga Muslim sa kanilang mga katawan. Kabilang sa mga pagkain na hindi kinokonsiderang halal para sa mga Muslim na ikonsumo ang dugo[13] at mga nakalalasing tulad ng mga inuming alkoholiko.[14]
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.