From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang habilitasyon ay isang kwalipikasyon na kinakailangan upang makapagsagawa ng self-contained na pagtuturo sa mga pamantasan o unibersidad, at upang makakuha ng pagkapropesor sa maraming bansa sa Europa. Sa kabila ng mga pagbabagong ipinatupad sa mga sistema ng mas mataas na edukasyon sa Europa na bunga ng Prosesong Bologna, ang habilitasyon ay ang pinakamataas na kwalipikasyon na ibinibigay sa pamamagitan ng proseso ng pagsusuri sa unibersidad, at nananatiling isang pangunahing konsepto ng mga karerang pang-iskolar sa mga nasabing bansa.[1]
Ang degree ay iginagawad para sa isang tesis ng habilitasyon batay sa independiyenteng iskolarsip na sinuri ng at matagumpay na ipinagtanggol sa harap ng isang komiteng pang-akademiko sa isang prosesong katulad ng sa isang doctoral disertasyon (pahayag pampantas). Sa ilang mga bansa, ang isang habilitation degree ay isang kinakailangan na kwalipikasyong pormal upang independiyenteng magturo at magsuri ng isang itinalagang paksa sa antas ng unibersidad.
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.