From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang rehilya ng reperensiya (Kastila: malla, rejilla o red de referencia, Ingles: projected coordinate system, projected coordinate reference system, planar coordinate system, or grid reference system) ay isa uri ng sistemang reperensiyang espasyal na kinakatawan ang mga lokasyon sa Daigdig gamit ang mga koordinadong Cartesiyano (x, y) sa isang ibabaw na plano na nilikha ng isang partikular na proyeksyon ng mapa.[1] Bawat naka-proyeksyong sistemang koordinado, tulad ng "Unibersal Transbersal na Mercator WGS 84 Sona 26N," ay binibigyan kahulugan sa pamamagitan ng isang piniling proyeksyon sa mapa (na may partikular na mga parametro), isang piniling sistemang heodesiko upang bigkisin ang sistemang koordinado sa totoong mga lokasyon sa daigdig, isang puntong pinagmulan, at isang pili ng yunit ng sukat.[2] Daan-daang rehilya ng reperensiya ang natukoy para sa iba't ibang layunin sa iba't ibang rehiyon.
Nang nagawa ang unang pinamantayang mga sistemang koordinado noong ika-20 dantaon, tulad ng Unibersal Transbersal na Mercator, Estadong Planong Sistemang Koordinado, at ang Pambansang Rehilyang Britaniko, tinatawag silang mga sistemang rehilya; karaniwan pa rin ang katawagan sa ilang mga dominyo tulad ng militar na pinapasok ang mga koordinado bilang alpanumerikong mga reperensiyang rehilya. Bagaman, ang katawagang Ingles na projected coordinate system (o naka-proyeksyong sistemang koordinado) ay naging mas ginagamit upang mas malinaw na ipagkaiba ito mula ibang sistemang reperensiyang espasyal. Ginagamit ito sa mga pamantayang internasyunal tulad ng EPSG at ISO 19111 (nilalathala din ng Open Geospatial Consortium bilang Abstract Specification 2), at karamihan sa mga software na sistemang impormasyong heograpiko.[3][2]
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.