Ang googol (bigkas: /gu-gol/) ay ang pangalan para sa isang bilang o . Kumbaga, 1 na sinundan ng 100 mga sero o 10 000 000 000 000 000 000 000 000 000 000 000 000 000 000 000 000 000 000 000 000 000 000 000 000 000 000 000 000 000 000 000 000 000 000 000 000. Ipinakilala ang katawagang ito ni Edward Kasner (1878–1955), isang Amerikanong matematiko.[1]

Etimolohiya

Nilalang ang termino noong 1920 ng isang 9 na taong gulang na batang lalaki, ni Milton Sirotta (1911–1981), pamangkin ni Edward Kasner.[2] Ayon sa Ralph Keyes, puwedeng inspirado siya ni Barney Google.[3] Nagpapopular si Kasner ng salita sa kaniyang aklat Mathematics and the Imagination (Tagalog: Ang Matematika at ang Imahinasyon) noong 1940.

Laki

Walang natatanging katuturan sa matematika. Gayunman, kapaki-pakinabang para ikumpara ang malalaking dami, halimbawa dami ng mga subatomikong partikula sa naaaninaw na uniberso o dami ng mga hipotekikong posibilidad sa isang laro ng ahedres. Ginamit ni Kasner para ilarawan ang kaibahan sa pagitan ng dambuhalang bilang at kawalang hangganan, at ganitong minsan na ginagamit sa pagtuturo ng matematika. Para ilarawan ang laki ng isang googol, ang masa ng elektron, medyo menos kaysa 10−30 kg, puwedeng ikumpara sa masa ng naaaninaw na uniberso, sa pagitan ng 1050 at 1060 kg.[4] Ang itong rasyo ay 1080–1090 beses mas maliit, o 10-10 ng isang googol.

Mga propyedad

Ang isang googol ay malapit sa 70! (paktoryal ng 70).

Kultural na katuturan

Madalas na nangyayari ang pagbigkas ng itong termino sa pamamagitan ng pangalan ng kompanyang Google. Ang pangalan ng "Google" ay aksidental na maling baybay ng mga tagapagtatag ng kompanya, at pinili para mangahulugan na idinudulot ng search engine ang malalaking dami ng impormasyon.

Mga sanggunian

Tingnan din

Wikiwand in your browser!

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.

Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.