Gitnang Kabisayaan
rehiyon ng Pilipinas From Wikipedia, the free encyclopedia
rehiyon ng Pilipinas From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Gitnang Kabisayaan (Ingles: Central Visayas) ay isang rehiyon ng Pilipinas na matatagpuan sa mga kapuluan ng Kabisayaan. Binubuo ito ng apat na lalawigan, Bohol, Cebu, Negros Oriental at Siquijor at ng mga nagsasariling lungsod ng Cebu, Lapu-Lapu, at Mandaue. Katutubong sinasalita ang wikang Sebwano. Ang lungsod ng Cebu ang sentro ng rehiyon.
Gitnang Kabisayaan Tunga-tungang Kabisay-an Rehiyon VII | |
---|---|
Mula itaas-kaliwa hanggang ibaba-kanan: Cebu Metropolitan Cathedral (Cebu); Balinsasayao Twin Lakes Natural Park (Negros Oriental); Chocolate Hills (Bohol); Salagdoong Beach (Siquijor); | |
Palayaw: | |
Lokasyon sa Pilipinas | |
Mga koordinado: 10°00′N 123°30′E | |
Bansa | Philippines |
Pangkat ng mga Pulo | Kabisayaan |
Sentro ng Rehiyon | Lungsod ng Cebu |
Lawak | |
• Kabuuan | 15,895.66 km2 (6,137.35 milya kuwadrado) |
Ranggo sa lawak | ika-13 |
Populasyon (senso ng 2020)[1] | |
• Kabuuan | 8,081,988 |
• Ranggo | 4th |
• Kapal | 510/km2 (1,300/milya kuwadrado) |
• Ranggo sa densidad | ika-3 |
Sona ng oras | UTC+8 (PST) |
Kodigo ng ISO 3166 | PH-07 |
Mga lalawigan | |
Mga lungsod | |
Mga Munisipalidad | 116 |
Mga Barangay | 3,003 |
Mga Distrito | 11 |
Mga Wika |
Ang Gitnang Kabisayaan ay binubuo ng 4 na mga lalawigan at 3 mataas na urbanisadong lungsod.
Lalawigan/Lungsod | Kabisera | Wika | Populasyon (2015)[2] | Lawak (km²) | Kakapalan (/km²) |
---|---|---|---|---|---|
Bohol | Lungsod ng Tagbilaran | Wikang Sebwano | 1,313,560 | 4,820.95 | 272.5 |
Cebu | Lungsod ng Cebu | Wikang Sebwano | 2,938,982 | 4,943.72 | 594.5 |
Negros Oriental | Lungsod ng Dumaguete | Wikang Sebwano | 1,354,995 | 5,402 | 240 |
Siquijor | Siquijor | Wikang Sebwano | 95,984 | 337.49 | 284.4 |
Lungsod ng Cebu¹ | — | Wikang Sebwano | 922,611 | 315.00 | 2,928.9 |
Lungsod ng Lapu-Lapu¹ | — | Wikang Sebwano | 408,112 | 58.10 | 7,024.3 |
Lungsod ng Mandaue¹ | — | Wikang Sebwano | 362,654 | 25.18 | 14,402.46 |
Bagaman ang Lungsod ng Cebu, Lungsod ng Mandaue, at Lungsod ng Lapu-Lapu ay kadalasang nakapangkat sa ilalim ng lalawigan ng Cebu para sa layuning estadistikal ng Pambansang Tanggapan ng Estadistika, bilang mga mataas na urbanisadong lungsod sila ay nagsasarili at hindi pinapamahalaan ng lalawigan ng Cebu.
Taon | Pop. | ±% p.a. |
---|---|---|
1990 | 4,594,124 | — |
2000 | 5,706,953 | +2.19% |
2010 | 6,800,180 | +1.77% |
2015 | 7,396,898 | +1.61% |
Nabibilang ang Negros Oriental sa datos ng taong 2015. Source: Philippine Statistics Authority[1][3][4][5] |
Ayon sa pinakahuling senso noong 2015, umabot sa 7 milyon ang populasyon ng Gitnang Kabisayaan. Ang Rehiyon VII ang ikalimang pinakamataong rehiyon ng Pilipinas.
Ang Sebwano ang pinakalaganap na wika sa rehiyon. Nakakaintindi rin ang nakakarami ng Tagalog, Ingles.
Dahil nahihiwalay ng dagat ang mga lalawigan sa rehiyon, isang malaking industriya sa rehiyon ang transportasyong pandagat. Ang Pantalan ng Cebu ang pangunahing daungan sa rehiyon na siya ring pinakamalaking daungan sa buong Kabisayaan. May mga biyahe rito papunta sa iba't ibang parte ng Kabisayaan, Mindanao at Luzon. Mayroon ring mga daungan sa ibang bahagi ng lalawigan ng Cebu. Marami ring daungan sa Bohol, Negros Oriental at Siquijor. Ilan dito ang mga pantalan ng Dumaguete, Tagbilaran at Larena.
Ang Paliparang Pandaigdig ng Mactan–Cebu, na matatagpuan sa Lungsod ng Lapu-Lapu, ay ang ikalawang pinakaabalang paliparan sa Pilipinas (pagkatapos ng Paliparang Pandaigdig ng Ninoy Aquino) sa Kalakhang Maynila at ang tanging paliparan sa Kabisayaan na may mga pandaigdigang paglipad (maliban sa Paliparang Pandaigdig ng Kalibo).
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.