From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Gekidan Inu Curry (劇団イヌカレー Gekidan Inu Karē, Theatrical Company Dog Curry o literal sa Tagalog Teatrikong Kompanyang Aso Curry), istinilo bilang Gekidan INU Curry, ay isang pangkat pang-animasyon na binubuo nila Doroinu (泥犬 Maputik na Aso) at 2shiroinu. (2puting Aso.) Sila ay kilala sa kanilang likhang disenyong pangproduksyon para sa seryeng Puella Magi Madoka Magica maging ang pangwakas na kredito para sa Maria Holic at Usagi Drop.[1]
Inilalarawan nila Doroinu at 2shiroinu ng Gekidan Inu Curry na ang kanilang mga likha ay hinango mula sa mga estilo ng Animasyong Ruso at Tseko. Mas nais nilang gumawa ng mga maliitang mga landscape na maaring magawa ng isahan kaysa sa magkipagtrabaho sa maraming tao na "katulad sa isang orkestra".[2]
Sa isang pakikipanayam sa gitna ni Maaya Sakamoto at Gekidan Inu Curry, sinabi ni Sakamoto na ang mga tauhan na ginamit sa kanyang music video na Universe, ang ika-anim na awit sa kanyang album na 30minutes night flight bilang "napakamakulay, kyut at hindi kapani-paniwala". Ang Gekidan Inu Curry ang gumawa sa mga tauhan na ginamit sa awit sa ilalim ng ika-apat na estudyo ng Production I.G. Ngunit dinagdag ni Sakamotona ang mga tauhan ay sa "una ay nagpapakita ng kaakit-akit na atmospera sa unang tingin, ngunit kapag sinuri mo sila, makikita mo sila ay may karayom, naka-bandage o naglalaway". Dinagdag niya pa na ang mga tauhan ay "di lang kyut, kundi isinalalarawan ang imperpeksyon ng sangkatauhan". Naniniwala siya na "may kuwento sa likod ng bawat tauhan" ng kanta at naisip na "sila ang mga uliran na mga tauhan na lumabas sa video".[2]
Inilarawan rin ni Sakamoto na ang mga makukulay na drowing na ipinakita sa kanya ukol sa music video ng awit niya bilang may "katangian ng isang picture book na may di-panipaniwalang pakiramdam ng isang fairytale at mayroon rin itong madilim na aspeto".[2]
Sa isang pagsusuri ng Puella Magi Madoka Magica: The Movie ni Geoff Berkshire ng Variety, inilarawan ang mga tauhang "nightmare" sa pelikula bilang mga "hindi-kapapaniwalang mga nilalang na parang mga collage na cut-out na hinago sa Animasyong Ruso at Tseko" at sinabing magkatulad sa Monty Python ni Terry Gilliam.[3]
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.