From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Garing Pantatak ng Butuan (Ingles: Butuan Ivory Seal o BIS) ay isang garing pantatak o pribadong pantatak na nauugnay sa garing na pangil ng rinosero, napetsahan mula ika-9 - ika-12 siglo, na natuklasan sa Libertad, Butuan sa Agusan del Norte sa katimugang Pilipinas. Nakaukit sa selyo ang salitang Butban sa nakaistilong Kawi. Magkahawig ang sulat sa sulat Tagalog. Ipinapalagay na kumakatawan ang butban sa Butwan o Butuan, dahil kalimitang nagkapalit ang mga letrang "b" at "w". Matatagpuan na ngayon ang garing pantatak sa Pambansang Museo ng Pilipinas.[1]
Nangangailangan pong patunayan ang nilalaman ng artikulo na ito sa pamamagitan ng mga pagdagdag o paglagay po ng sanggunian. (Hulyo 2020)
Makakatulong po sa pagpapabuti nito ang pagdadagdag ng mapagkakatiwalaang sanggunian. Tandaan lamang po na maaaring balaan o maalis ang mga impormasyong walang sanggunian. |
Isa pang arkeolohikal na bagay na may sinaunang inskripsyon, nahukay ang Garing Pantatak ng Butuan noong dekada 1970 ng mga tagahanap ng palayok sa prehistorikong tambakan ng kabibi sa Ambangan, Libertad, Lungsod ng Butuan sa Agusan del Norte. Gawa sa garing na pangil ng rinosero, maaaring ginamit ito sa pagtatatak ng mga dokumento o paninda sa kalakalan.[2]
Pruweba ang garing pantatak pati na rin ang mga ibang arkeolohikal na bagay na nahukay sa mga paghukayan sa Ambangan na mahalagang sentro ng kalakalan ang Karahanan ng Butuan na ipinangmarka ang opisyal na selyo ang pinagmulan ng mga kalakal na ginawa at iniluwas nila.[2]
Ang "Garing Pantatak ng Butuan" (Ang larawan sa kaliwa ay ang pantatak mismo; ang larawan sa kanan ay nagpapakita kung paano ang itsura ng limbag mula sa pantatak.) "Butban" ang kababasahan ng sulat Kawi. Ang tatlong titik sa istilo ng selyong parisukat ay BA, TA at NA; ang pakaliwang kulot sa ilalim ng BA ay ang patinig /u/ na tuldik, na ginagawang BU ang pantig; ang maliit na hugis-pusong titik sa ilalim ng TA ay ang subskribong anyong pangatnig ng BA na nag-aalis ng patinig /a/ mula sa TA; ang malaking kulot sa kanang itaas ay ang virama ng Kawi, na nagpapahiwatig na hindi binibigkas ang patinig /a/ sa NA. "[Bu][Tba][N-] ang pagbasa kung sinama ang tatlong bloke ng titik. Sa sulat Balines at sulat Habanes, na nagmula sa Kawi, magkahawig ang huwaran ng pagbabay ng salita, ginagamit ang magkatulad na tuldik /u/, anyong pangatnig para sa B, at virama. |
Pinetsahan noong 1002 PK, maaaring ginamit ang pantatak para sa dokumentasyon sa kalakalan—ang Butuan ay naging sentro ng kalakalan at komersyo sa Hilagang-silangang Mindanao mula noong ika-10 siglo.[1]
May mga iba pang kapansin-pansing tuklas tulad ng Paleograpong Pilak. Higit sa isang daang krisol na luwad at kagamitan sa pagpoproseso ng mga gintong bagay ang nahukay sa lugar, humahantong sa konklusyon na matatagpuan ang isang malawakang industriya ng gintong palamuti sa mga lugar na ito maging noon pa mang libong taon ang nakalilipas. Sa kabuuan, ipinapakita nitong mga datos na noong nakalipas na sanlibong taon, naging maunlad na pandaigdigang kalakalan ang Butuan. Napalaki ang makasaysayang epekto ng lugar na ito sa rehiyon ng Asya.
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.