Ang Kabuuang Pambansang Produkto (Ingles: Gross National Product o GNP) ang halagang pamilihan ng lahat ng mga produkto at serbisyong prinodyus sa isang taon ng trabaho at pag-aaring sinuplay ng mga residente ng isang bansa. Hindi tulad ng kabuuang produktong domestiko(GDP) naglalarawan ng produksiyon batay sa heograpikal na lokasyon ng produksiyon, ang GNP ay naglalaan ng produksiyon batay sa pag-aari. Ang GNP na kwantitibo sa mga kalakal(e.g. bilang mga kompyter na pinrodyus) at isinasaalang ang parehong ito na mga anyo ng "paglagong ekonomiko".[1]

GNP vs. GDP

Ang Kabuuang Pambansang Produkto(GNP) ay kadalasang sinasalungat sa Kabuuang produktong domestiko(GDP). Bagaman ang GNP ay sumusukat ng mga output na nalilikha ng mga negosyo ng isang bansa(kahit pa ito ay pisikal na nasa bansa o nasa ibang bansa), ang GDP ay sumusukat ng kabuuang output na nilikha sa loob ng mga hangganan ng isang bansa kahit ito ay nilikha ng sariling lokal na negosyo ng bansa o ng mga negosyo ng dayuhan. Kapag ang kapital ng bansa o mga magpakukunang trabaho ay ginamit sa labas ng mga hangganan nito o kapag ang isang negosyo ng dayuhan ay pinapatakbo sa teritoryo nito, ang GDP at GNP ay maaaring lumikha ng iba't ibang mga sukat ng kabuuang output. Halimbawa noong 2009, tinantiya ng Estados Unidos ang GDP nito sa $14.119 trilyon at ang GNP nito sa $14.265 trilyon.[2]

Gamit

Ginagamit ng Estados Unidos ang GNP bilang pangunahing sukat nito ang kabuuang gawaing ekonomiko bago ang 1991 nang simula itong gumamit ng GDP.[3] Sa paglipat, ang Bureau of Economic Analysis (BEA) ay nagbanggit na ang GDP ay nagbibigay ng mas madaling paghahambing ng ibang mga sukat ng gawaing ekonomiko ng Estados Unidos at ang halos lahat ng mga bansa ay kumuha na ng GDP bilang kanilang pangunahing sukat ng produksiyon. [4]

Talaan ng mga bansa ayon sa GNP(GNI) (nominal, Atlas method) (mga milyon noong 2012 US$)[5] (Taas na 10 bansa)

Karagdagang impormasyon Rank ...
Rank 2011 2010 2009
1  Estados Unidos15,097,083  Estados Unidos14,648,955  Estados Unidos14,135,520
2  Tsina6,628,086  Tsina5,717,592  Tsina4,822,913
3  Hapon5,774,376  Hapon5,359,236  Hapon4,793,538
4  Alemanya3,594,303  Alemanya3,513,807  Alemanya3,472,823
5  Pransiya2,775,664  Pransiya2,745,670  Pransiya2,742,735
6  Reyno Unido2,366,544  Reyno Unido2,373,636  Reyno Unido2,532,124
7  Italya2,146,998  Italya2,149,222  Italya2,141,109
8  Brasil2,107,628  Brasil1,859,414  Brasil1,575,897
9  Indiya1,746,481  Indiya1,539,419 Espanya Espanya1,469,901
10  Canada1,570,886  Canada1,475,865  Canada1,412,899
Isara

Mga sanggunian

Sanggunian

Panlabas na kawing

Wikiwand in your browser!

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.

Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.