From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang kabuuang domestikong produkto (Ingles: gross domestic product o GDP) ang halagang pamilihan ng lahat ng pantungkuling kinikilalang huling mga kalakal at paglilingkod na nilikha sa loob ng isang bansa sa isang takdang panahon. Ang GDP bawat tao ay kadalasang itinuturing paghihiwatig ng pamantayan ng pamumuhay;[2] ang GDP bawat capita ay hindi isang sukat ng pansariling sahod. Sa ilalim ng teoriyang ekonomiko, ang GDP bawat tao ay ganap na katumbas ng kabuuang katutubong sahod (Gross domestic income o GDI) bawat tao. Ang GDP ay nauugnay sa mga pambansang kuwenta na isang paksa sa makroekonomika. Ang GDP ay hindi dapat ikalito sa Kabuuang Pambansang Produkto (gross national product o GNP) na naglalaan ng produksiyon batay sa pag-aari.
Ang GDP ay maaaring matukoy sa tatlong paraan na ang lahat ay dapat sa prinsipyo magbibigay ng parehong resulta. Ang mga ito ang pakikitungong produkto(o output), pakikitungong sahod at pakikitungong paggasta. Ang pinaka-direkta sa tatlong ito ang pakikitungong produkto na sumusuma ng mga output ng bawat klase ng negosyo upang dumating sa kabuuan. Ang pakikitungong paggasta ay gumagawa sa prinsipyong ang lahat ng mga produkto ay dapat bilhin ng isang tao at kaya ang halaga ng kabuuang produkto ay dapat katumbas ng kabuuang paggasta ng mga tao sa pagbili ng mga bagay. Ang pakikitungong sahod ay gumagawa sa prinsipyong ang mga sahod ng mga paktor na produktibo(mga prodyuser) ay dapat katumbas ng halaga ng kanilang produkto at tumutukoy sa GDP sa pamamagitan ng paghahanap ng suma ng mga sahod ng lahat ng mga prodyuser.[3]
Halimbawa: paraang paggasta:
Ang "Gross" ay nangangahulugang ang GDP ay sumusukat sa produksiyon ng hindi isinasaalang alang ang iba't ibang mga paggamit kung ang produksiyon ay maaaring ilagay. Ang produksiyon ay maaaring gamitin sa madaliang konsumpsiyon, para sa pamumuhunan sa bagong nakapirmeng mga asset o mga inbentoryo o sa pagpapalit ng depresiyadong nakapirmeng mga asset. Ang "domestiko" ay nangangahulugang ang GDP ay sumusukat ng produksiyon na nangyayari sa loob ng mga hangganan ng isang bansa. Sa ekwasyong paraang paggasta na ibinigay sa itaas, ang mga niluluwas na binawasan ng inaangkat ay kailangan upang iwalang saysay ang mga paggasta sa mga bagay na hindi nilikha sa bansa(mga inaangkat) at magdagdag ng mga bagay ngunit hindi itinitinda sa bansa(mga niluluwas).
Ang mga ekonomista simula kay Keynes ay piniling hatiin ang terminong pangkalahatang konsumpsiyon sa dalawang mga bahagi: pribadong konsumpsiyon at paggasta ng publikong sektor(o pamahalaan). Ang dalawang kapakinabangan sa paghahati ng kabuuang konsumpsiyon sa paraang ito sa teoretikal na makroekonomika ang:
"Ang halagang pamilihan ng lahat ng mga huling kalakal at serbisyong kinukwenta sa loob ng isang taon."
Ang pakikitungong produksiyon ay tinatawag ring net na produkto o paraang idinagdag na halaga. Ang paraang ito ay binubuo ng tatlong mga yugto:
Sa simbolikong paglalarawan, Pangkalahatang halagang idinagdag = halaga ng output - halaga ng panggitnang konsumption
Halaga ng output = halaga ng kabuuang benta ng mga kalakal at serbisyo + halaga ng mga pagbabago sa mga inbentoryo
Ang suma ng kabuuang halagang idinagdaga sa iba't ibang mga gawaing ekonomiko ay tinatawag na GDP at factor cost.
Ang GDP sa gastos na paktor na dinagdagan ng hindi direktang mga buwis na binawasan ng mga subsidiya sa mga proudkto ang GDP at Producer Price.
Sa pagsukat ng kabuuang output ng domestikong produkto, ang mga gawaing ekonomiko(i.e. mga industriya) ay inuuri sa iba't ibang mga sektor. Pagkatapos uriin ang mga gawaing ekonomiko, ang kabuuang output ng bawat sektor ay kinukwenta ng anumang sumusunod na dalawang paraan:
Sa pagbabawas ng panggitnang konsumpsiyon ng bawat sektor mula sa kabuuang output, ating makukuha ang sektoral na kabuuang halagang idinagdag(Gross Value Added o GVA) sa gastos na paktor. Atin namang idadagdag ang kabuuang halaga ng lahat ng mga sektor upang makuha ang GDP sa gastos na paktor. Sa pagdadag ng hindi dirketang buwis na binawasan ng mga subsidiya sa GDP sa gastos na paktor, ating makukua ang GDP sa mga presyo ng prodyuser.
"Ang kabuuang suma ng mga sahod ng mga indbidwal na nabubuhay sa isang bansa sa loob ng 1 taon."
Ang isa pang paraan ng pagsukat ng GDP ay sukatin ang kabuuang sahod. Kung ang GDP ay kinwenta sa paraang ito, ito ay minsang tinatawag na Kabuuang Domestikong Sahod(Gross Domestic Income. GDI o GDP(I)). Ang GDI ay dapat magbigay ng parehong halaga ng paraang paggasta inilalarawan sa ibaba. Sa depinisyon, GDI = GDP. Gaynpaman, sa pagsasanay, ang mga pagkakamali ng sukat ay gagawa sa dalawang mga piguro ng medyo hindi tama kapag iniuulat ng pambansang mga ahensiyang estadistikal.
Ang paraang ito ay sumusukat ng GDP sa pamamagitan ng pagdadagdag ng mga sahod na binabayag ng mga negosyo sa mga sambahayan para sa mga paktor ng produksiyong kanilang inuupa- mga sahod para sa trabaho, interest para sa kapital, renta para sa lupain at mga tubo para sa entrepreneurship.
Ang "National Income and Expenditure Accounts" ng Estados Unidos ay naghahati ng mga sahod sa limang mga kategorya:
Ang limang mga sangkap ng sahod na ito ay sumusuma sa net domestikong sahod sa gastos na paktor.
Ang dalawang pagsasaayos ay dapat gawin upang makuha ang GDP:
Ang kabuuang sahod ay maaaring hatiin ayon sa iba't ibang mga skema na tumutungo sa iba't ibang mga pormula para sa GDP na sinukat ng pakikitungong sahod. Ang isang karaniwan ay:
Ang suma ng COE, GOS at GMI ay tinatawag na kabuuang paktor na sahod. Ito ang sahod ng lahat ng mga paktor ng produksiyon sa lipunan. Ito ay sumusukat sa halaga ng GDP sa paktor(basikong) mga presyo. Ang pagkakaiba sa pagitan ng mga basikong presyo at huling mga presyo(ang mga ginagamit sa pagkukwenta ng paggasta) ang kabuuang mga buwis at subsidiya na itinakda o binayaran ng pamahalaang sa produksiyong ito. Kaya ang pagdaragdag ng mga buwis na binawasan ng mga subsidiya sa produksiyon at mga inaangkat ay kumukonberte sa GDP sa gastos na paktor tungo sa GDP(I).
Ang kabuuang paktor na sahod ay minsan ring inihahayag bilang:
Ang isa pang pormula para sa GPD sa pamamagitan ng paraang sahod ang:
Kung saan ang
R : ang mga renta
I : ang mga interes
P : ang tubo(profit)
SA : mga pagsasaayos na estadistikal(statistical adjustments) (mga buwis ng sahod ng korporasyon, mga dibidende, hindi naipamahaging mga tubo ng korporasyon )
W : mga sahod(wages)
. Ang mnemonic nito ay "ripsaw".
"Ang mga paggasta na nakamit ng mga indibidwal sa loob ng 1 taon."
Sa ekonomika, ang karamihang mga bagay na nilikha ay prinodyus para sa pagbebenta at binibenta. Kaya ang pagsukat ng kabuuang paggasta ng perang ginamit upang bumili ng mga bagay ay isang paraan upang masukat ang produksiyon. Ito ay kilala bilang paraang paggasta ng pagkukwenta ng GDP. Dapat mapansin na kung ay magsulsi ng isang damit panglamig, ito ay produksiyon ngunit hindi ibinibilang bilang GDP dahil hindi ito kailanman naibenta. Ang pagsusulsi ng damit panglamig ay isang maliit na bahagi ng ekonomiya ngunit kung kukwentahin ng isa ang ilang mga pangunahing gawain gaya ng pagpapalaki ng bata(na pangkalahatang hindi binabayaran) bilang produksiyon, ang GDP ay tumitigil na isang tiyak na indikator ng produksiyon. Gayundin, kung mayroon isang matagalang paglipat mula sa hindi pamilihang probisyon ng mga serbisyo(halimbawa ang pagluluto, paglilinis, pagpapalaki ng bata, pagkukumpuni sa sarili mo) tungo sa probisyon ng pamilihan ng mga serbisyo, kung gayon ang kagawiang ito tungko sa tumaas na probisyon ng pamilihan ng mga serbisyo ay maaaring magtakip ng isang malakas na pagbaba sa aktuwal na domestikong produksiyon na nagreresulta sa labis na optimistiko at inpladong iniulat GDP. Ito ay partikular na problema para sa mga ekonomiyang lumipat mula sa mga ekonomiyang produksiyon tungo sa mga ekonomiyang serbisyo.
Ang GDP (Y) ang suma ng Consumption (C)/Konsumpsiyon, Investment (I)/Pamumuhunan, Government Spending (G)/Paggasta ng pamahalaan at Net Exports (X – M)/Net na mga pagluluwas.
Ito ang isang deskripsiyon ng bawat sangkap ng GDP:
Ang isang buong katumbas na depinsiyon ay ang GDP (Y) ang suma ng huling konsumpsiyong paggasta(final consumption expenditure o FCE), kabuuang nakapirmeng kapital na pormasyon(gross fixed capital formation o GCF), at net exports (X – M)/net na mga iniluluwas.
Ang FCE ay maaari pang hatiin sa tatlong mga sektor(mga sambahayan, pamahalaan at hindi para sa tubong mga institusyong nagsisilbi sa mga sambahayan) at ang GCF sa limang mga sektor(hindi-pinansiya na mga korporasyon, mga pinansiyal na korporasyon, mga sambahayan, mga pamahalaan, at hindi para sa tubong mga institusyon na nagsisilbi sa mga sambahayan). Ang pakinabang ng ikalawang depinisyong ito ay ang paggasta ay sistemang nahati ayon sa uri ng huling paggamit(huling konsumpsiyon o kapital na pormasyon) at ikalawa ayon sa mga sektor na gumagawa ng paggasta samantalang ang unang depinisyon ay isang bahaging sumusunod sa isang halong delimitasyong konsepto ayon sa uri ng huling paggamit at sektor.
Dapat tandaan na ang C, G, ay I ang mga paggasta sa mga huling kalakal at serbisyo; ang mga paggasta sa panggitnang mga kalakal at serbisyo ay hindi binibilang(ang mga panggitnang kalakal at serbisyon na ginagamit ng mga negosyo upang lumikha ng ibang mga kalakal at serbisyo sa loob ng taong akawnting).[5]
Ayon sa U.S. Bureau of Economic Analysis na responsable sa pagkukwenta ng pambansang mga akawnt sa Estados Unidos, "Sa pangkalahatan, ang pinagkukunang datos para sa mga sangkap na paggasta ay itinuturing na mas maasahan kesa sa mga sangkap na sahod."[6]
C, I, G, at NX(net exports): Kung ang isang tao ay gumagasta ng persa upang magsagawa ng renobasyon sa isang hotel upang tumaas ang rate ng paggamit nito, ang paggasta ay kumakatawan sa pribadong pamumuhunan ngunit kung ito ay bibili ng mga bahagi(shares) sa isang konsorsiyum upang isagawa ng renobasyon, ito ay pagtitipiad. Ang una ay kinabibilangan kapag sinusukat ang GDP (sa I), ang huli ay hindi. Gayunpaman, kapat ang konsorsiyum ay nagsagawa ng sarili nitong paggasta sa renobasyon, ang paggastang ito ay mabibilang sa GDP.
Kung ang hotel ay isang pribadong tahanan, ang paggasta sa renobasyon ay masusukat bilang consumption/konsumpsiyon ngunit kung ang isang ahensiya ng pamahalaan ay nagkonberte ng hotel sa isang opisina para sa mga empleyado nitong sibil, ang paggasta ay ibibilang sa paggasta ng publikong sektor o G.
Kung ang renobasyon ay kinasasangkutan ng pagbili ng isang chandelier mula sa ibang bansa, ang paggastang ito ay ibinibilang na C, G, o I (depende sa kung ang isang pribadong indibidwal, pamahalaan o isang negosyo ang gumagawa ng renobasyon), ngunit ibinibilang mula bilang inaangkat at binabawas mula sa GDP upang GDP ang bumilang lamang ng mga kalakal na nililikha sa loob ng isang bansa.
Kung ang isang prodyuser na domestiko ay binayaran upang gumawa ng chandelier para isang dayuhang hotel, ang kabayaran ay hindi mabibilang na C, G, o I ngunit mabibilang na isang iniluwas(export).
Ang isang "hangganang produksiyon" na nagdedelimita kung ano ang mabibilang bilang GDP.
"Ang isa sa mga pundamental na tanong na dapat matugon sa paghahanda ng pambansang ekonomikong mga akawnt ay kung paano ilarawan ang produksiyong hangganan- na kung anong mga bahagi ng malaking mga gawaing pantao ay dapat isama o hindi isima mula sa sukat ng produksiyong ekonomika."[7]
Ang lahat ng output para sa pamilihan ay kahit papaano sa teoriya ay kasama sa loob ng hangganan. Ang output ng pamilihan ay inilalarawan na kung alin ang ibinibenta para sa "mahalaga sa ekonomikong" mga presyo. Ang mahalaga sa ekonomikong mga presyo ang "mga presyo na isang malaking impluwensiya sa mga halaga na handang isuplay ng mga prodyuser at mga nais bilhin ng mga mamimili. "[8] Ang eksepsiyon ay ang mga ilegal na kalakal at serbisyo ay kadalasang hindi isinasama kahit pa ang mga ito ay ibinibenta sa mahalaga sa ekonomikong mga presyo(Ang mga ito ay hindi isinasama ng Australia at Estados Unidos).
Ito ay nag-iiwan ng hindi pamilihang output. Ito ay isang bahaging hindi isinasama at isang bahaging isinasama. Una, ang "mga natural na proseso nang walang pakikilahok o direksiyon ng tao ay hindi isinasama.[9] Gayundin, dapat ay mayroong isang tao o institusyon na nag-aari o pinagkaloob ng kompensasyon para sa produkto. Ang isang halimbawa ng isinasama at hindi isinasama ng mga kriteryang ito ay ibinigay ng ahensiyang pambansang mga akwant ng Estados Unidos: "ang paglago ng mga puno sa isang hindi nalinang na gubat ay hindi kabilang sa produksiyon ngunit ang pag-aani ng mga puno mula sa gubat na ito ay isinama." [10]
Sa loob ng mga limitasyon na inilarawan, ang hangganan ay karagdagan pang nililimithan ng "mga pang tungkuling pagsasaalang alang". [11] Ipinaliwanag ng Australian Bureau for Statistics ito: "Ang pambansang mga akawnt ay pangunahing itinatayo upang tulungan ang mga pamahalaan at iba upang gumawa ng nakabatay sa pamilihang patakarang pagpapasyang makroekonomiko, kabilang ang analisis ng mga pamilihan at mga paktor na umaapekto sa pagganap ng pamilihan gaya ng inplasyon at kawalang trabaho." Kaya ang produksiyon na ayon sa kanila ay , "relatibong independiyente at hiwalay mula sa mga pamilihan", o "mahirap na bigyang halaga sa isang ekonomikong makahulugang paraan"(i.e. mahirap na lagyan ng presyo) ay hindi isinama.[12]
Kaya hindi kasama ang mga serbisyong ibinibigay ng mga tao sa mga kasapi ng kanilang pamilya na libre sa bayad gaya ng pagpapalaki ng bata, paghahanda ng pagkain, paglilinis, tranportasyon, pag-aaliw ng mga kasapi ng pamilya, suportang emosyonal, pag-aalaga ng mga matatanda.[13] Ang karamihan ng iba pang produksiyon para sa sariling(o sa sariling pamilya) paggamit ay hindi rin isinasama na may dalawang mga kilalang ekspesiyon.
Ang hindi pamilihang output na kasama sa loob ng hangganan ay itinatala sa ibaba. Dahil sa depinisiyon, ang mga ito ay walang presyo ng pamilihan, ang mga tagatipon ng GDP ay dapat magtakda ng isang halaga sa mga ito na karaniwang ang halaga ng mga kalakal o serbisyong ginamit upang lumikha ng mga ito o ang halaga ng parehong item na ibinibenta sa pamilihan.
Ang GDP ay maaaring salungatin ng Kabuuang pambansang produkto(GNP) o Kabuuang pambansang sahod(GNI). Ang pagkakaiba ay ang GDP ay naglalarawan ng saklaw nito ayon sa lokasyon samantalang ang GNP ay naglalarawan ng saklaw nito ayon sa pag-aari. Sa isang pandaigdigang konteksto, ang ang GDP at GNP ng daigdig ay kaya magkatumbas na mga termino. Ang GDP ay produktong nilikha sa loob ng mga hangganan ng isang bansa. Ang GNP ay produktong nalikha ng mga mamamayan ng isang bansa at ang mga mamamayang ito ay hindi nag-ari ng produktibong mga negosyo sa anumang ibang mga bansa. Gayunpaman, sa kasanayan, ang pag-aaring dayuhan ay gumagawa sa GDP at GNP na hindi magkatulad. Ang produksiyon sa loob ng mga hangganan ng isang bansa ngunit ang isang negosyong pag-aari ng isang tao na nasa labas ng bansa ay nabibilang bilang bahagi ng GDP nito ngunit hindi ng GNP. Sa kabilang dako, ang produksiyon ng isang negosyong matatagpuan sa labas ng bansa ngunit pag-aari ng isa sa mga mamamayan nito ay nabibilang bilang bahagi ng GNP ngunit hindi ng GDP. Kung kukunin ang Estados Unidos bilang isang halimbawa, ang GNP ng Estados Unidos ang halaga ng output na nalikha ng mga pag-aari ng mga Amerikanong negosyo ng hindi isinasaalang alang kung saan matatagpuan ang mga negosyo. Gayundin, kung ang isang bansa ay nagiging tumataas sa utang at gumugol ng malaking mga halaga ng sahod upang bayaran ang utang na ito, ito ay makikita sa isang bumabang GNP ngunit hindi isang bumabang GDP. Ito ay gumagawa sa paggamit ng GDP na mas atraktibo para sa mga politiko sa mga bansang may tumataas na pambansang utang at bumababang mga asset. Ang Kabuuang pambansang sahod(GNI) ay katumbas ng GDP na dinagdagan ng mga resibo ng sahod mula sa natitirang mga bansa sa daigdig na binawasan ng mga kabayaran ng sahod sa natitirang mga bansa sa daigdig. [16]
Noong 1991, ang Estados Unidos ay lumipat sa paggamit ng GNP tungo sa paggamit ng GDP bilang pangunahing sukat nito ng produksiyon.[17] Ang relasyon sa pagitan ng GDP at GNP ng Estados Unidos ay ipinapakita sa tablang 1.7.5 ng National Income and Product Accounts.[18]
Ang pamantayang internasyonal sa pagsukat ng GDP ay nilalaman sa aklat na System of National Accounts (1993) na inihanda ng mga kinatawan ng International Monetary Fund, European Union, Organization for Economic Co-operation and Development, United Nations at World Bank. Ang publikasyong ito ay normal na tinutukoy bilang SNA93 upang itangi ito mula sa mga nakaraang edisyong inilimbag noong 1968 (na tinawag na SNA68) [19]
Ang SNA93 ay nagbibigay ng hanay ng mga patakaran at pamamaraan para sa pagsukat ng mga pambansang akawnt. Ang mga pamantayan ay dinisenyo na mababago upang payagan ang mga pagkakaiba sa mga pangangailangang lokal na estadistikal at mga kondisyon.
Sa loob ng bawat bansa, ang GDP ay normal na sinusukat ng ahensiyang estadistikal ng pambansang pamahalaan dahil ang mga organisasyong pribadong sektor ay normal na walang paglapit sa impormasyong kinakailangan (lalo na ang paggasta at produksiyon ng mga pamahalaan).
Ang net na gastos na interes ay isang kabayarang paglilipat sa lahat ng mga sektor maliban sa sektor na pinansiyal. Ang net na mga gastos na interest sa sektor pinansiyal ay nakikita bilang produksiyon at halagang idinagdag at idinadagdag sa GDP.
Ang hilaw na pigura ng GDP gaya ng ibinigay ng mga ekwasyon sa itaas ay tinatawag na nominal, historikal o kasalukuyang GDP. Kapag kinukumpara ng isa ang mga pigura ng GDP mula sa isang taon hanggang sa isa, kanais nais na tumbasan para sa mga pagbabago sa halaga ng salapi, i.e para sa mga epekto ng inplasyon o deplasyon. Upang gawin itong mas makahulugan para sa mga taon-sa-taong mga paghahambing, ito ay maaaring paramihin ng rasyo sa pagitan ng halaga ng salapi sa taong ang GDP ay sinukat at ang halaga ng salapi sa basehang taong. Halimbawa, ipagpalagay na ang GDP ng isang noong 1990 ay $100 milyon at ang GDP nito noong 2000 ay $300 milyon. Ipagpalagay na ang inplasyon ay nahati sa kurensiya nito sa loob ng panahong ito. Upang makahulugang maikumpara ang GDP noong 2000 sa GDP nito noong 1990, maaari nating paramihin ang GDP noong 2000 ng kalahati(1/2) upang gawin itong relatibo sa 1990 bilang basehang taon. Ang resulta ay ang GDP noong 2000 ay katumbas ng $300 milyon × isang-kalahati = $150 milyon, noong 1990 mga terminong pang-salapi. Makikita nating ang GDP ng bansa ay realistikong tumaas sa 50 porsiyento sa loob ng panahong ito hindi 200 porsiyento kung paano it lilitaw mula sa hilaw na datos ng GDP. Ang isinaayos na GDP para sa mga pagbabago sa halaga ng salapi sa paraang ito ay tinatawag na real o konstanteng GDP. Ang paktor na ginamit upang konbertehin ang GDP mula sa kasalukuyan tungo sa mga halagang konstante sa paraang ito ay tinatawag na deplador ng GDP. Hindi tulad ng index ng presyo ng konsumer na sumusukat sa inplasyon at deplasyon sa presyo ng mga kalakal ng sambahayang konsumer, ang deplador ng GDP ay sumusukat ng mga pagbabago sa mga presyo ng lahat ng nilikha ng domestikong mga kalakal at serbisyon sa isang ekonomiya kabilang ang mga kalakal na pamumuhunan at mga serbisyo ng pamahalaan gayundin ang mga kalakal ng konsumpsiyon ng sambahayan.[20]
Ang konstanteng mga pigurang GDP ay pumapayag sa atin na kwentahin ang rate ng paglago ng GDP na nagpapakita kung gaano karami ang produksiyon ng bansa ay tumaas(o bumagsak kung ang rate ng paglago ay negatibo) kumpara sa nakaraang taon.
Ang isa pang bagay na maaaring kanais nais na ipaliwanag ang paglago ng populasyon. Kung ang GDP ng isang bansa ay dumoble sa loob ng isang panahon, ngunit ang populasyon nito ay trumiple, ang pagtaas sa GDP ay hindi maaaring mangahulugang ang pamantayan ng pamumuhay ay tumaas para sa mga residente ng bansa. Ang aberaheng tao sa bansa ay lumilikha ng kaunti kesa bago nito. Ang kada kapitang GDP ay isang sukat upang ipaliwanag ang paglago ng populasyon.
Ang lebel ng GDP sa iba't ibang mga bansa ay maaaring ikumpara sa pamamagitan ng pagkokonberte ng kanilang halaga sa pambansang kurensiya sa kasalukuyang rate ng palitan o ang rate ng palitan ng paridad ng kapangyarihang pagbili.
May isang maliwanag na paterno ng paraang paridad ng kapangyarihang pagbili na nagpapababa ng disparidad sa GDP sa pagitan ng mataas at mababang sahod na mga bansa kumpara sa paraang kasalukuyang rate ng palitaan. Ang pagkakatuklas na ito ay tinatawag na epektong Penn.
Ang GDP ay malawak na ginagamit ng mga ekonomista upang sukatin ang resesyonng ekonomiko at paggaling at ang pangkalahatang kakayahang pang-salapi ng isang ekonomiya na tugunan ang mga eksternalidad. Ito ay hindi para sukatin ang mga eksternalidad. Ito ay nagsisilbi bilang isang pangkalahatang metriko para sa nominal na pang-salaping pamantayan ng pamumuhay at hindi isinasaayos para sa mga gastos ng pamumuhay para sa isang rehiyon. Ang GDP ay isang neutral na sukat na tanging nagpapakita ng pangkalahatang kakayahan ng isang ekonomiya na magbayad para sa mga eksternalidad gaya ng mga pagkabahalang panlipunan at pangkapaligiran. [21] Examples of externalities include:
Si Simon Kuznets sa kanyang pinaka unang ulat sa Kongreso ng Estados Unidos noong 1934 ay nagsaad na:[22]
...ang kapakanan ng isang bansa ay, kaya salat na mahihinuha mula sa isang sukat ng pambansang sahod...
Noong 1962, isinaad ni Kuznets na:[23]
Ang mga distinksiyon ay dapat panatilihin sa isip sa pagitan ng kantidad at kalidad ng paglago, sa pagitan ng mga gastos at pagbabalik, at sa pagitan ng maikli at mahabang pagtakbo. Ang mga layunin para sa mas maraming paglago ay dapat tumukoy ng mas maraming paglago ng ano at para sa ano.
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.