From Wikipedia, the free encyclopedia
Si Francesco Laurana, kilala rin bilang Francesco de la Vrana (Kroata: Frane Vranjanin; c. 1430 – bago ang Marso 12, 1502) ay isang Dalmatikong eskultor at medalista.[1] Siya ay itinuturing na kapuwa isang Croata[2][3] at isang Italyanong[4][5][6][7][8][9] eskultor. Kahit na ipinanganak sa teritoryo ng Republika ng Venecia, ginugol niya ang kaniyang rurok ng karera sa kabilang dulo ng Italya, lumilipat sa pagitan ng Napoles at Sicilia, at Urbino, at sa huli sa katimugang Pransiya, kung saan siya namatay.
Si Laurana ay ipinanganak sa Vrana, malapit sa Zadar, sa Dalmacia.[10] Sa ilalim ng pamamahalang Veneciano si Vrana ay pinangalanang La Vrana, mula sa romanse de Vrana, na nagbigay sa apelyidong ginamit ni Francesco Laurana: LA VRANA -> LAVRANA na binabasa tulad ng LAURANA dahil ang letrang U ay nakasulat bilang V sa mga inskripsiyon sa Latin.
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.