From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang mga kutkutin (Ingles: finger food) ay ang pagkain na makakain na tuwirang ginagamit ang kamay bilang pandampot ng mga pagkaing ito, na kaiba sa mga pagkain na kinakain habang ginagamit ang isang kutsilyo at tinidor o kutsara at tinidor, o kaya mga sipit ng Intsik (mga patpat na pangsipit o mga chopstick), o iba pang uri ng kubyertos.[1] Sa ilang mga kultura, ang pagkain ay halos palaging kinakain na ginagamit ang kamay bilang pangkuha; halimbawa na ang lutuing Ethiopiano na kinakain sa pamamagitan ng pagbalumbon ng sari-saring mga pagkain sa loob ng tinapay na injera.[2] Sa subkontinente ng Timog Asya, ang pagkain ay nakaugaliang palaging kinakain sa pamamagitan ng pagdaklot ng mga kamay. Ang mga pagkain na itinuturing bilang mga pagkaing kalye ay madalas, subalit hindi palagian, bilang mga kutkutin.
Ilang mga halimbawa ng mga kutkutin ay ang maliliit na mga pastel o empanada na may palamang karne, mga balumbon ng tsoriso o batutay (langgunisa), mga langgunisang tinuhog ng patpat, mga keso at mga olibang nasa patpat, mga hita o mga pakpak ng manok, mga turon, mga maliliit na quiche, mga samosa, mga bhujia (mga bhaji na mayroong sibuyas, mga patatas na patatsulok ang tabas, mga vol au vent, at mga bola-bolang risotto. Ang iba pang nakikilalang mga pagkain na pangkalahatang kinakain na ginagamitan ng mga kamay ay ang pizza, mga hot dog, mga prutas at tinapay.[3]
Sa Timog-Silangang Asya, kabilang sa mga kukutin o mga makukukot o mga nakukukot ay ang mga mani, butong pakwan, kornik (buto ng mais), buto ng kalabasa, at marami pang iba.
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.