From Wikipedia, the free encyclopedia
Si Ezra Weston Loomis Pound (30 Oktubre 1885 – 1 Nobyembre 1972) ay isang Amerikanong nangibang-bayang makata, manunuri, at intelektuwal, na naging isang pangunahing tao sa kilusang Modernista noong unang hati ng ika-20 daang taon. Malawakang itinuturing siya bilang ang makatang may kagagawan ng pagbibigay kahulugan at pagtataguyod sa isang makabagong estetiko sa panulaan.[2] Sinabi ng manunuring si Hugh Kenner ukol kay Pound nang magtagpo sila na: "Agad kong napag-alamang nasa paligid ako ng gitna ng modernismo.[3][4]
Ezra Pound | |
---|---|
Kapanganakan | 30 Oktubre 1885[1]
|
Kamatayan | 1 Nobyembre 1972[1]
|
Mamamayan | Estados Unidos ng Amerika |
Nagtapos | University of Pennsylvania |
Trabaho | makatà,[1] kritiko literaryo, kompositor, tagasalin,[1] awtobiyograpo, manunulat, ekonomista, mamamahayag, personalidad sa radyo, historyador ng panitikan[1] |
Sa kaagahan ng "kabataan" ng ika-20 daang taon, nagbukas siya ng pagpapalitan ng mga gawa at mga ideya sa pagitan ng mga manunulat na mga Britaniko at mga Amerikano, at naging bantog sa pagiging mapagbigay na ginamit niya sa pagsulong ng mga gawa ng kanyang mga kasabayang sina Robert Frost, William Carlos Williams, Marianne Moore, H. D. (o Hilda Doolittle), Ernest Hemingway, at natatangi na si T. S. Eliot. Nagkaroon din siya ng mabigat na impluho sa mga Irlandes na manunulat na sina W. B. Yeats at James Joyce.
Nagsimula ang kanyang malaking ambag sa panulaan sa pamamagitan ng kanyang pagtataguyod ng Imahismo, isang kilusan sa panulaang humango ng teknika mula sa klasikong panulaang Intsik at Hapones, na nagbibigay ng diin sa kalinawan, katumpakan, at ekonomiya o pagkamatipid sa wika, at pagtatanggal ng nakaugaliang rima o tugmaan at metro, upang – ayon sa mismong mga pananalita ni Pound – "makalikha sa loob ng pagkakasunud-sunod ng pariralang matugtugin, hindi na sa pagkakasunud-sunod ng metronoma."[2][5] Tumuon ang kanyang sumunod na panghuling mga gawa, sa loob ng limampung mga taon, sa kanyang The Cantos, isang ensiklopedikong epikong tula.
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.