Ang ethnisidad o pangkat etniko ay pangkat ng mga tao na kinikila ang bawat isa sa batayan ng nakikitang binabahaging mga katangian na ipinagkakaiba sila mula sa ibang mga pangkat. Maaring mapabilang sa mga katangiang yaon ang isang karaniwang bansa ng pinagmulan, o karaniwang pangkat ng lipi, mga tradisyon, wika, lipunan, relihiyon, o pagtratong panlipunan.[2][3] Kadalasang ginagamit ng salitan ang katawagang etnisidad sa katawagang nasyon, partikular sa mga kaso ng nasyonalismong etniko.[4]

Thumb
Ang pangkat etniko na mga Bengali sa Dhaka, Bangladesh. Binubuo ang mga Bengali ng ikatlong pinakamalaking pangkat etniko sa mundo pagkatapos ng mga Tsinong Han at mga Arabe.[1]
Thumb
Ang mga Javanes ng Indonesya ay ang pinakamalaking pangkat etnikong Austronesyo.

Maaring ipakahulugan ang etnisidad bilang isang kayariang minana o pinataw ng lipunan. Nakaugaliang bigyang kahulugan ang pagkasaping etniko sa pamamagitan ng nabahaging pamanang pangkalinangan, lipi, mitong pinagmulan, kasaysayan, bayang sinilangan, wika, diyalekto, relihiyon, mitolohiya, kuwentong-bayan, rituwal, lutuin, istilo ng pananamit, sining, o pisikal na itsura. Maaring nagbabahagi ang mga pangkat etniko ng isang manipis o malawak na espektro ng henetikong lipi, depende sa pagkakalinlan ng pangkat, na may maraming pangkat na may pinaghalong liping henetiko.[5][6][7]

Terminolohiya

Hinango ang katawagang ethniko mula sa salitang Griygo na ἔθνος ethnos (mas tumpak, mula sa pang-uring ἐθνικός ethnikos,[8] na hiniram ng Latin bilang ethnicus).

Araling etniko

Ang araling pang-etnisidad o araling etniko (Ingles: ethnic studies) ay isang pag-aaral na interdisiplinaryo sa mga tao na rasyalisado ("nagkaroon ng mapagkakakilanlang lahi") sa mundo na may kaugnayan sa etnisidad. Umunlad ito noong ikalawang hati ng ika-20 dantaon bilang bahaging pagtugon sa mga pagsasakdal na ang mga disiplinang katulad ng antropolohiya, kasaysayan, Ingles, etnolohiya, araling pang-Asya, at orientalismo ay tigmak ng likas na pananaw na eurosentriko (nakatuon lamang sa Europa). Nilikha ang araling etniko upang maituro ang mga kuwento, mga kasaysayan, mga pagpupunyagi, at mga pananagumpay ng mga tao na may kulay ayon sa kanilang sariling mga patakaran.

Nagmula ito bago pa ang panahon ng karapatang sibil, kasing-aga ng dekada 1900. Sa panahong ito, ipinahayag ng tagapagturo at mananalaysay na si W. E. B. Du Bois ang pangangailangan ng pagtuturo ng kasaysayan ng mga itim.[9] Bagaman, naging malawak na kilala ang araling etniko bilang pangalawang isyu na umusbong sa panahon ng karapatang sibil.[10]

Mga sanggunian

Tingnan din

Wikiwand in your browser!

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.

Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.