Remove ads
From Wikipedia, the free encyclopedia
Si Ernst Walter Mayr ( /ˈmaɪər/; 5 Hulyo 1904 – 3 Pebrero 2005)[1][2] ang isa sa pinakamahalaga at nangungunang biologo ng ebolusyon sa ika-20 siglo. Isa siyang kilalang taksonomista, ornitologo', pilosopo ng siyensiya at historyan ng siyensiya w.[3] Ang kanyang ay nag ambag sa konseptuwal na rebolusyon na humantong sa pagkakabuo ng modernong ebolusyonaryong sintesis ng henetika ni Gregor Mendel, sistematika at ebolusyon ni Charles Darwin at pagpapaunlad ng konsepto ng espesye. Bagaman isinulong ni Darwin na ang maraming espesye ay nag-ebolb mula sa isang karaniwang ninuno, ang mekanismo nito ay hindi naunawaan na lumikha ng problema ng espesye. Ayon kay Mayr sa kanyang aklat na Systematics and the Origin of Species (1942), ang isang espesye ay hindi lamang isang pangkat ng mga organismo na magkatulad sa morpolohiya ngunit isang pangkat na makakapagparami lamang sa kanilang mga sarili at hindi sa iba pa. Kapag ang populasyon sa loob ng isang espesye ay nahiwalay sa heograpiya, stratehiya sa pagkain at pagpili ng makakatalik o iba pang paraan, ang mga ito ay magiging iba sa ibang mga populasyon sa pamamagitan ng genetic drift at natural na seleksiyon at sa paglipas ng panahon ay mag-eebolb sa isang bagong espesye. Ang pinakamahalaga at mabilis na organisasyong henetiko ay nangyayari sa labis na maliit na mga populasyon na nahwalay gaya halimbawa sa isang isla.
Ernst Mayr | |
---|---|
Kapanganakan | Ernst Walter Mayr 5 Hulyo 1904 |
Kamatayan | 3 Pebrero 2005 100) Bedford, Massachusetts, United States | (edad
Nasyonalidad | German American |
Nagtapos |
|
Parangal |
|
Karera sa agham | |
Larangan | Systematics, evolutionary biology, ornithology, philosophy of biology |
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.