From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang ekskresyon (Ingles: excretion) ay isang proseso ng pagtatanggal o pag-aalis (eliminasyon) ng dumi ng katawan[1] o ng mga produktong dumi ng metabolismo at iba pang hindi-gamitin o hindi maiinam na mga materyal.[2] Kabilang sa mga duming napapalis ang tae, ihi, pawis[1], at suka. Isa itong mahalaga o esensiyal na proseso sa lahat ng mga anyo ng buhay. Kaiba ito sa sekresyon, kung saan ang sustansiya ay may espesipiko o tiyak na tungkulin pagkaraang makalabas o makaalis mula sa sihay o selula.
Sa mga mikroorganismo o mga organismong mas isang selula lamang, tuwirang napapalabas ang mga produktong dumi o basura sa pamamagitan ng pagdaan sa kalatagan o kapatagan ng selula. Samantala, gumagamit ang mga organismong multiselular (organismong may maraming mga sihay o selula) ng mas masalimuot na mga metodo o pamamaraang ekskretoryo. Nagpapaalis ng mga gas o hangin ang mas matataas na mga halaman sa pamamagitan ng istomata sa ibabaw ng kalatagan ng mga dahon. Mayroong espesyal o natatanging mga organong ekskretoryo ang mga hayop.
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.