From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Pilipinas ay may eksklusibong sonang ekonomiko na sumasaklaw sa 2,263,816 km2 (874,064 mi kuw). Umaangkin ito ng isang EEZ ng 200 milyang nautiko (370 kilometro) mula sa mga pampang nito.[1] Dahil ito sa 7,641 mga pulo na bumubuo sa kapuluan ng Pilipinas.[2] Kasama ang panloob na mga anyong-tubig, ang kabuuang lawak ng lupa ng Pilipinas ay 300,000 kilometro kuwadrado (120,000 milya kuwadrado).[3][4] Ito ay may panlimang pinakamahabang dalampasigan o baybayin sa mundo na may habang 36,289 kilometro (22,549 milya).[5][6] Ang mga koordinado ay nasa pagitan ng 116° 40', at 126° 34' E longitud, at 4° 40' at 21° 10' N latitud. Hinahangganan ito ng Dagat Pilipinas[7] sa silangan at hilaga, ng Dagat Kanlurang Pilipinas (bahagi ng Dagat Timog Tsina)[8] sa kanluran, at ng Dagat Celebes[9] sa timog.
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.