Remove ads
From Wikipedia, the free encyclopedia
Si Edward Christopher "Ed" Sheeran (ipinanganak noong 17 Pebrero 1991) ay isang Ingles na mang-aawit at kompositor at musikero. Ipinanganak sa Hebden Bridge, Kanlurang Yorkshire at pinalaki sa Framlingham, Suffolk, lumipat siya sa Londres noong 2008 upang itaguyod ang isang karerang pangmusika. Noong unang bahagi ng 2011, naglabas si Sheeran ng kanyang sariling extended play, ang No. 5 Collaborations Project, na nakakuha ng pansin nina Elton John at Jamie Foxx. Matapos noon ay lumagda siya sa Asylum Records. Ang kanyang lunsarang album, ang +, na naglalaman ng mga isahang awit na "The A Team" at "Lego House", ay pinagtibay bilang limang ulit na platinum sa UK. Noong 2012, nagwagi si Sheeran ng dalawang Gantimpalang Brit para sa pagiging Pinakamahusay na Solong Lalaking Mang-aawit na Ingles (Best British Male Solo Artist) at Bagong Saltáng Mang-aawit na Ingles (British Breakthrough Act). Nagwagi ang "The A Team" ng Ivor Novello Award para sa Pinakamahusay na Awitin sa Temang Pangmusika at Panletra (Best Song Musically and Lyrically). Noong 2014 siya ay nabigyan ng nominasyon para sa Pinakamahusay na Bagong Mang-aawit (Best New Artist) sa Ika-56 na Taunang Parangal Grammy (56th Annual Grammy Awards).[1]
Ed Sheeran | |
---|---|
Kabatiran | |
Pangalan noong ipinanganak | Edward Christopher Sheeran |
Kapanganakan | Hebden Bridge, Kanlurang Yorkshire, Inglatera | 17 Pebrero 1991
Pinagmulan | Framlingham, Suffolk, Inglatera |
Genre | |
Trabaho |
|
Instrumento | Little Martin LX1E |
Taong aktibo | 2005–kasalukuyan |
Label | |
Website | edsheeran.com |
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.