Diyos sa mitolohiyang Sumeryo From Wikipedia, the free encyclopedia
Si Enki' ( /ˈɛŋki/) (Sumerian: dEN.KI(G)𒂗𒆠) ay isang Diyos sa Mitolohiyang Sumeryo. Siya ay kalaunang nakilala bilang si Ea sa mitolohiyang Babilonyano at Akkadiano. Siya ay orihinal na patrong Diyos ng siyudad ng Eridud ngunit ang impluwensiya ng kulta ay kalaunang kumlata sa buong Mesopotamia at sa mga Cananeo, mga Hittite at mga Hurrian. Siya ang Diyos ng mga kasanayan (gašam); kapilyuhan, tubig, tubig dagat, tubig lawa (a, aba, ab), katalinuhan (gestú, literal na tenga) at paglikha (Nudimmud). Siya ay nauugnay sa katimugang banda ng mga konstelasyong tinatawag na mga bituin ni Ea pati sa konstelasyong AŠ-IKU, (Square of Pegasus).[1] Simula noong ika-2 milenyo BCE, siya ay minsang tinutukoy sa pagsulat sa pamamagitan ng kanyang ideogramang pambilang para sa "40" na minsang tinutukoy na kanyang "sagradong bilang."[2][3][4] Ang planteang Merkuryo na nauugnay sa Diyos na si Nabu(anak ni Marduk) ay kinilala kay Enki sa mga panahong Sumeryo.
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.