Remove ads
From Wikipedia, the free encyclopedia
Si Edith Nesbit (15 Agosto 1858 – 4 Mayo 1924), na naging Edith Bland nang magkaasawa, ay isang Inglesang awtora, nobelista[2], at makata. Nalimbag ang kanyang mga aklat-pambata sa ilalim ng pangalang E. Nesbit. Nagsulat siya at nakipagtulungan sa pagsusulat ng mahigit sa 60 mga aklat na pampanitikang pambata, na naging mga pelikula at mga palabas sa telebisyon ang ilan. Isa rin siyang aktibistang pampolitika at isa sa mga tagapagtatag ng Samahang Fabiano, ang ninuno ng modernong Partidong Pangmanggagawa sa Nagkakaisang Kaharian.
E. Nesbit | |
---|---|
Kapanganakan | 15 Agosto 1858 |
Kamatayan | 4 Mayo 1924
|
Mamamayan | United Kingdom of Great Britain and Ireland United Kingdom |
Trabaho | manunulat, children's writer, makatà |
Bilang manunulat ng mga kuwentong pambata, tinanggihan niya ang tanyag na gawi ng pagbibigay ng leksiyong moral; at lumikha siya ng kapanipaniwalang mga tauhan para sa mga kalagayan o sitwasyong batay o nakaakma sa tunay na buhay.[2]
Kabilang sa kanyang mga inakdaan ang The Treasure Seekers, The Bastable Children, at ang The Would-be Goods.[2]
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.