From Wikipedia, the free encyclopedia
Si Emilio Ramon Pelayo Ejercito (kapanganakan 5 Oktubre 1963), o mas kilala bilang ER Ejercito at kilala din sa kaniyang opisyal na pangalan sa pelikula bilang Jorge Estregan, George Estregan Jr. at Jeorge "ER" Ejercito Estregan, ay isang Pilipinong aktor na nanilbihan noon bilang Gobernador ng Laguna. Bago pa man siya nahalal bilang gobernador, nanilbihan muna siya bilang alkalde ng Pagsanjan, Laguna.[1] Anak siya ng aktor na si George Estregan at pamangkin ng dating Pangulo at ngayo'y alkalde ng Maynila na si Joseph Estrada. Noong 27 Mayo, 2014, inalis ng Komisyon ng Halalan si Ejercito matapos ang di-umanong sobrang paggasta sa kaniyang kampanya para sa halalan noong 2013; makalipas ang tatlong araw, hinikayat siya ng kaniyang tiyuhing si Alkalde Joseph Estrada para bumaba sa puwesto.
Emilio Ramón "E.R." Ejército III | |
---|---|
Gobernador ng Laguna | |
Nasa puwesto 30 Hunyo 2010 – 27 Mayo 2014 | |
Bise Gobernador | Caesar Pérez (2010–2013) Ramil Hernández (2013–2014) |
Nakaraang sinundan | Teresita S. Lázaro |
Sinundan ni | Ramil Hernández |
Alkalde ng Pagsanjan, Laguna | |
Nasa puwesto 30 Hunyo 2001 – 30 Hunyo 2010 | |
Nakaraang sinundan | Abner Afuang |
Sinundan ni | Girlie Ejército |
Personal na detalye | |
Isinilang | Emilio Ramon Pelayo Ejercito 5 Oktubre 1963 Pagsanjan, Laguna, Pilipinas |
Kabansaan | Pilipino |
Partidong pampolitika | Pwersa ng Masang Pilipino (2001–2012) United Nationalist Alliance (2012–2016) PDP-Laban (2016–kasalukuyan) |
Asawa | Girlie Ejército |
Anak | Eric Ejército Jet Ejército Jerico Ejército Julia Ejército |
Tahanan | Pagsanján |
Alma mater | La Salle Greenhills Pamantasan ng Pilipinas - Diliman |
Trabaho | Pulitiko, Aktor |
Propesyon | Aktor/Pulitiko |
Ipinanganak si E.R. Ejercito bilang Emilo Ramon Pelayo Ejército noong 5 Oktubre 1963 sa Pagsanjan, Laguna ni Jorge Marcelo Ejercito, isang action star na ginamit ang pangalang pampelikula bilang George Estregan, ng Pagsanjan, Laguna, at ni Ramona Pelayo Ejercito ng Ibajay, Aklan. Nakatira siya sa Kalye B. Cosme, Sitio Mayapa, Brgy. II, Pagsanjan, Laguna.
Ikinasal siya sa isa pang artista at kasalukuyang alkalde ng Pagsanjan na si Alkalde Maita Sanchez (Girlie Ejercito sa totoong buhay). May apat silang mga anak: si Eric Ejercito (kapanganakan 1987), Jet Ejercito (kapanganakan 1989), Jerico Ejercito (kapanganakan 1992) at Jhulia Ejercito (kapanganakan 2002).
Mga malalaking papel sa bold
Taon | Tagapagbigay ng Parangal | Kategorya | Obra | Resulta |
---|---|---|---|---|
2011 | Metro Manila Film Festival [2] | Male Sexiest Appeal Celebrity of the Night | - | Nanalo |
2012 | GMMSF Box-Office Entertainment Awards [3] | Outstanding Government Service Award | - | Nanalo |
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.