From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang dragun (mula sa Ingles na dragoon[1]), dragon, dragunero[2], o dragonero[2] ay isang kawal na pangunahing sinanay upang makipaglaban habang nakatapak sa lupa ngunit naturuan din sumakay sa kabayo[1] at pakikipaglabang pangkabalyero, natatangi na noong huling ika-17 at maagang ika-19 mga daantaon kung kailan inilunsad ang mga rehimyento ng dragun sa loob ng halo lahat ng mga hukbong Europeo. Noong panahon ng mas huli pang ika-18 daantaon at ng Mga Digmaang Maka-Napoleon o Mga Digmaang Napoleoniko, karamihan sa ganitong mga yunit o bahagi ang umunlad para maging pangkaraniwang paraan o midyum at minsang magaang na kabalyero o hukbong nakakabayo.
Hinango ang salitang "dragoon" o dragun mula sa pagtatalaga o ranggong pang-Hukbong Katihan ng Pranses - ang dragon - na siya rin mismong orihinal na pangalan ng isang uri ng sandatang pumuputok (na nangangahulugang dragon ang pangalan) na binubuhat ng mga dragung Pranses. Sa mga wikang Pranses at Kastila, walang pagkakaiba ang mga salitang dragoon (dragun) at dragon.
Sa makabagong panahon, pinanatili ang pamagat o titulo ng isang bilang ng mga sandatan o pangpagdiriwang o pangseremonyang nakakabayong mga rehimyento.
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.