From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Draco ay isang sari ng butiking agamid (mga Agamidae) na lumilipad sa pamamagitan ng pagbuka lamang ng pakpak na hindi pumapagaspas o sumasalibay lamang (sumasabay lamang sa daloy ng hangin). Nagmula ang mga ito sa Timog-Silangang Asya. Naibubuka ang mga tadyang at pang-ugnay na membrano upang makalikha ng isang pakpak, ang panlikod na mga paa ay lapad at tila mga pakpak, at nagsisilbing pahalang na pampatatag ang isang maliit na kapangkatan ng mga palapa sa leeg. Kumakain ng mga kulisap ang mga ito. Hinango ni Carolus Linnaeus ang pangalan ng saring ito mula sa salitang Latin para sa mitolohikong mga dragon.
Kilalang-kilala ang mga butiki sa kanilang mga kayariang palamuti at kakayahang lumipad o sumalibay ng malalayong distansiya sa pamamagitan ng kanilang mala-pakpak na mga membranong patagium na sinusuportahan ng isang mahabang torasikong (thoracic) tadyang upang makalikha ng lakas o puwersang pampalutang o pampaangat.[1]
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.