Baboy
From Wikipedia, the free encyclopedia
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang mga baboy ay mga unggulado (hayop na may kuko o hoof) na nasa Klaseng Mamalya. Likas sa Eurasya, sama-sama silang nakapangkat sa genus Sus ang pamilyang Suidae. Maliban sa reputasyon nila sa pagiging matakaw at marumi, isang hindi gaanong kilalang katangian ng baboy ang katalinuhan. Ayon sa mga dalubhasa, sila ay mas magaling pa sa mga aso pagdating sa katalinuhan. Ninuno ng mga domestikadong baboy ang mga baboy-ramo.[2]
Baboy | |
---|---|
Inang baboy at kanyang biik. | |
Klasipikasyong pang-agham | |
Kaharian: | |
Kalapian: | |
Hati: | |
Orden: | |
Pamilya: | |
Sari: | Sus |
Species | |
Sus barbatus (Bearded Pig) |
Ang biik, kulig, buwik o bulaw ay isang uri ng bata o sanggol at sumususo pang anak ng inahing baboy. Bagaman tumutukoy ang bulaw sa paglalarawan ng mamula-mula o mala-gintong kulay na biik (at ginagamit din para sa tandang na manok).[3]
Tinatawag na barakong baboy ang isang lalaking baboy na nasa hustong gulang na. Samantalang inahing baboy naman ang babaeng nasa tamang edad na.[3]
Ang mga baboy ay ang pangunahing karne na kinakain ng mga tao. Dahil dito, maraming babuyan ang itinatag.
Ang isang baboy ay karaniwang malaki ang ulo, na may mahabang nguso na pinatatag ng isang espesyal na buto malapit sa ilong (prenasal bone) at may isang disko na kartilago sa dulo nito. Ang nguso ay ginagamit para hukayin ang lupa para mag-hanap ng pagkain at ito ay isang matalas na bahaging pang-amoy. Ang bilang ng ngipin nito at apatnaput-apat. Ang mga ngipin sa likod ay pan-durog ng pag-kain. Sa lalaki ang ngiping-harapan ay maaring maging pangil, na patuloy na lumalago at tumulis sa pamamagitan ng patuloy na pag-giling sa isa't isa.
May apat na paa na may kuko, at ang dalawang daliri sa harapan nito ay mas-mahaba at ang mga daliri na ito ang laging nakadikit sa lupa.
Hindi gaanong mabalahibo ang karamihan sa mga baboy, ngunit may mga uri ng baboy gaya ng Mangalitsa na balbunin din. Dahil hindi gaanong mabalahibo ang baboy, di gaanong makapag-pawis ang mga baboy dahil wala silang glandula ng pawis na naglalabas ng init. Kung mainit ang panahon, naglulublob sa putik o tubig ang mga baboy.
Ang ebidensiyang arkeolohikal ay nagmumungkahing ang mga baboy ay dinomestika mula sa baboy ramo noong mga 13,000–12,700 BCE sa Malapit na Silangan sa Tigris Basin[4].[5] [6] May isa ring hiwalay na domestikasyon ng mga baboy sa Tsina noon mga 8000 taong nakakaraan.[7][8]
Ang ebidensiya ng DNA mula sa mga fossil ng mga ngipin at mga panga ng mga neolotikong baboy ay nagpapakitang ang mga unang domestikadong baboy sa Europa ay dinala mula sa Malapit na Silangan. Ito ang nagtulak sa domestikasyon ng lokal na mga baboy ramo na nagresulta sa ikatlong pangyayaring domestikasyon na ang mga gene ng mga baboy ng Malapit na Silangan ay nawala sa mga baboy na Europeo. [9][10] Ang mga historikal record ay nagpapakitang ang mga Asyanong baboy ay ipinakilala sa Europa noong ika-18 hanggang ika-19 siglo. Ang mga baboy ay dinala sa timog silangang Hilagang Amerika mula sa Europa nina de Soto at ibang mga eksplorador na Espanyol.
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.