From Wikipedia, the free encyclopedia
Sa Sinaunang Ellada, ang dimos (δῆμος, Ingles: deme) ay isang lokal na bahagi ng Attiki, ang rehiyon ng Ellada na nasa palibot ng Athina. Mukhang mayroon nang mga dimos noong ika-6 na dantaon B.K. at mas maaga pa pero ito ay simpleng pagbabahagi lamang ng lupain sa kanayunan. Wala itong gaanong kahalagahan hanggang sa magreporma si Kleisthenis noong ika 508 B.K. Sa repormang iyon naging rekisitos sa pagkamamamayan ang pagkakatala sa listahan ng mga mamamayan ng isang dimos. Bago nilikha ang patakarang ito ang pagkamamamayan ay nakabatay sa pagiging kasapi ng isang fatria (φατρία), o pangkat ng pamilya.
Sa panahong ito ang mga dimos ay itinatag mismo sa lungsod ng Athina bagama't noong una ay wala nito roon. Sa pagtatapos ng mga reporma ni Kleisthenis ang buong Attiki ay nahati sa 139 na dimos. Pinahina ng pagkakatatag ng mga dimos, bilang pundamental na yunit ng estado, ang genos (γένος), o mga aristokratang pangkat ng pamilya na siyang naghahari sa mga fatria. (Fine 1983)
Gumagana ang isang dimos na parang maliit na polis. Sa katunayan ang ilang dimos tulad ng Elefsina at Acharnes ay mahahalagang bayan. Ang bawat dimos ay may dimarchos (δήμαρχοσ) na siyang namamahala dito. May iba't-iba pang sibil, panrelihiyon, at pangmilitar na opisyales ang iba-ibang dimos. Nagtatanghal ng kaniya-kaniyang pistang panrelihiyon ang mga dimos. Nangongolekta ito ng buwis at nagagastos ang nabanggit na koleksiyon.(Whitehead sa Hornblower & Spawforth 2003)
Ang mga dimos ay isinasanib sa iba pang kalapit nitong dimos upang makabuo ng trittya (τριττύα ), na may mas malaking populasyon, na siya namang bumubuo sa sampung tribo, o fyli ng Athina. Ang bawat tribo ay mayroong isang trittya mula sa isa sa tatlong rehiyon: ang lungsod, ang baybayin, at ang kaloobang bahagi ng estado.
Ang mga sumusunod na pangalan ay nasa transliterasyong Ingles:
Ang terminong dimos ay ginamit din noong panahong Ellineko at Romano. Noong dumating ang Emperyong Vyzantio, ang termino ay tumutungkol na sa isa sa apat na paksiyon ng nagkakarera ng chariot, ang mga Pula, Bughaw, Luntian at Puti.
Sa modernong Ellada ang terminong dimos ay nangangahulugan na mga munisipalidad.
Ang buong artikulo o mga bahagi nito ay isinalin magmula sa artikulong Deme ng Ingles na Wikipedia, partikular na ang bersiyong ito.
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.