From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Diariong Tagalog (sa makabagong ortograpiya: "Diyaryong Tagalog") ay pahayagang nasa wikang Tagalog at Espanyol noong panahon ng pananakop ng Espanya sa Pilipinas. Itinatag ito ni Marcelo del Pilar noong 1882 at tinustusan naman ni Francisco Calvo ang pagpapalimbag ng pahayagan.[1] Ang Diariong Tagalog ang unang naglathala ng mga kaisipang nag-uudyok ng reporma sa pamahalaan at tumuligsa rin sa pang-aabuso ng mga prayle. Tumagal lamang ng limang buwan ang pahayagan magmula nang lumabas ang unang sipi nito noong Hulyo 1 ng natura ring taon.[2]
Pinamatnugutan ni del Pilar ang Diariong Tagalog at naglathala ng mga daing ng mga inaapi at pagsulong ng reporma sa pamahalaang Kastila.[3] Nagsulat si Jose Rizal para sa Diarong Tagalog ng makabayang sanaysay na pinamagatang Aoomor Patrio gamit ang pangalang Laong Laan. Isinalin ito sa Tagalog ni del Pilar at lumabas sa pahayagan noong Agosto 20, 1882.[4]
Ang Diariong Tagalog ay muling binuhay sa digital na pormat ng Negosentro Media noong taong 2023.[5]
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.