From Wikipedia, the free encyclopedia
Nagsimula ang ika-8 dantaon BC noong unang araw ng 800 BC at natapos noong huling araw ng 701 BC. Isang panahon ang ika-8 dantaon BC ng malaking pagbabago para sa ilang mahahalagang makasaysayang kabihasnan. Sa Ehipto, ang ika-23 at ika-24 na mga dinastiya ay nanguna upang mamuno mula sa Nubia sa ika-25 dinastiya. Naabot ang rurok ng kapangyarihan ng Imperyong Neo-Asiryo, na sinakop ang Kaharian ng Israel, gayon din ang mga katabing mga bansa.
Naging kolonya ng Gresya ang mga rehiyon ng Dagat Mediteranyo at Dagat Itim. Naitatag ang Roma noong 753 BC, at lumawak ang kabihasnang Etrusko sa Italya. Kombensyunal na kinuha ang ika-8 dantaon bilang ang simula ng Sinaunang Panahon, kasama ang unang Olimpiyada na tinakda noong 776 BC, at ang mga epiko ni Homer ay nilagyan ng petsa sa pagitan ng 750 at 650 BC.
Pumasok ang Panahon ng Bakal sa Indya sa kalaunang kapanahunang Vediko. Nakaanatado ang mga ritwal ng Vediko sa maraming pang-pari mga paaralan sa mga komentaryong Brahmana, at minarkahan ng pinakaunang Upanishad ang simula ng pilosopiyang Vedanta.
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.