Ang ika-5 dantaon (taon: AD 401 – 500), ay isang panahon mula 401 hanggang 500 Anno Domini (AD) o Common Era (CE) o Karaniwang Panahon sa kalendaryong Huliyano. in the Julian calendar. Bantog ang ika-5 siglo sa pagiging panahon ng migrasyon at kawalang-tatag ng politika sa buong Eurasya.
Nakita nito ang pagbasak ng Kanlurang Imperyong Romano, na natapos noong 476 AD. Napagharian ang imperyong ito ng mahihinang emperador, na unti-unting natitipon ang totoong kapangyarihang pampolitika sa mga pinunong militar. Ipinahintulot ang panloob na kawalang-tatg ang isang hukbong Visigoth na umabot at nakawan ang Roma noong 410. May muling oagbawi ang naganap noong sumunod na mga dekada, pero ang nakatanggap ang Kanlurang Imperyo ng isa pang seryosong dagok sa isang pangalawang banyagang pangkat, ang Vandals, na inokupa ang Carthage, ang kabisera ng isang labis na mahalagang lalawigan sa Aprika. Naunsiyami ang mga pagsubok sa muling pagkuha ng lalawigan ng pagsalakay ng mga Hun sa ilalim ni Attila. Pagkatapos ng pagkatalo ni Attila,[1] nagsanib puwersa ang parehong Silangan at Kanlurang mga imperyo para sa huling pag-atake sa Vandals sa Hilagang Aprika, ngunit kamangha-manghang kabiguan ang kampanyang ito.
Sa Tsina, nagpatuloy ang panahon ng Labing-anim na Kaharian. Nakilala ito sa pagbuo at pagbagsak ng maliit na mga kahariang sumasailalim, na pinamumunuan ng nakikidigmang pangkat-etniko. Pagkatapos ng pagbagsak ng Dating Qin tungo sa dulo ng nakaraang siglo, muling napag-isa ang hilagang Tsina ng Hilagang Wei noong 439.Sa Kanlurang dinastiyang Jin, pinagsama ng estadistang Jin at heneral na si Liu Yu ang kanyang kapangyariha at pinilit ang huling Emperador ng dinastiyang Jin, si Emperor Gong ng Jin, na bumama sa kanya noong 420. Nilikha nito ang dinastiyang (Liu) Song, na naging panimulang punto ng panahon na tinatawag bilang Hilaga at Katimugang mga dinastiya.
Tungo sa dulo ng ika-5 dantaon, ang Imperyong Gupta ng India ay sinalakay mula sa Gitnang Asya at naokupahan ng mga elemento ng mga taong Hun. Maaring may kaugnayan ang mga taong ito sa mga Hun na winasak ang Roma noong parehong panahon.
Mahahalgang tao
- Aetius, Romanong magister militum, na tinuturing na huli sa mga dakilang Romanong heneral (391-454).
- Alaric II, Hari ng mga Visigodo sa Toulouse (mga 458/466-507, naghari 484-507).
- Anthemius, Romanong Emperador (mga 420-472, naghari 467-472).
- Arcadius, Romanong Emperador (377-408, naghari 383-408).
- Attila, Hari ng mga Hun
- Agustin ng Hipona, obispo, teologo
- Avitus, Romanong Emperador (mga 380/395-456/457, naghari 455-456).
- Basiliscus, Romanong Emperador (namatay 476/477, naghari 475-476).
- Juan Crisostomo, Partriarka ng Constantinople
- Constantius III, Romanong Emperador (namtay 421, naghari 421).
- Cirilo ng Alehandriya, Patriararka ng Alehandria, teologo
- Dioscorus, Patriararka ng Alehandria
- Euric, Hari ng mga Visogoth (mga 440-484, naghari 466-484).
- Glycerius, Romanong Emperador (mga 420- after 480, naghari 473-474).
- Honorius, Romanong Emperador (384-423, naghari 393-423).
- Jeronimo, ermitanyong Kristiyano, pari, tagasalin ng Bibliya sa Latin at ang may-akda ng gawang panteolohiya.
- Joannes, Romanong mang-aagaw (namtay 425, naghari 423-425).
- Julius Nepos, Romanong Emperador (mga 430-480, naghari 474-480).
- Kālidāsa, Dakilang manunulang Sanskrit[2]
- Leon I, Obispo ng Roma, teologo
- Leon II, Romanong Emperador (467-474, naghari 474).
- Libius Severus, Romanong Emperador (mga 420-465, rnaghari 461-465).
- Majorian, Romanong Emperador (mga 420-461, naghari 457-461).
- Marcian, Romanong Emperador (392-457, naghari 450-457).
- Nestorius, Arsobispo ng Constantinople, ama ng erehiyang Nestorianismo
- Olybrius, Romanong Emperador (namtay 472, naghari 472).
- Patricio, (Patricius) Katolikong Obispo, misyonaryo sa Ireland
- Petronius Maximus, Romanong Emperador (mga 396-455, naghari 455).
- Pulcheria, Romanong Emperatris at rehente (398/399-453, naghari 414-453).
- Romulus Augustulus, Romanong Emperador (mga 461- after 507, naghari 475-476).
- Theodosius II, Romanong Emperador (401-450, naghari 408-450).
- Valentinian III, Romanong Emperador (419-455, naghari 425-455).
- Zeno, Romanong Emperador (mga 425-491, naghari 474-475, 476-491).
- Zu Chongzhi, Tsinong astronomo at matematiko
Mga sanggunian
Wikiwand in your browser!
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.