From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang ika-4 na dantaon (taon: AD 301 – 400), (batay sa kalendaryong Huliyano at Anno Domini/Karaniwang Panahon) ay ang panahon na tumagal mula 301 hanggang 400. Sa Kanluran, ang unang bahagi ng dantaon ay hinubog ni Dakilang Constantino, na naging unang emperador Romano na ipinagtibay ang Kristiyanismo. Nakuha ang iisang paghahari sa imperyo, nakilala siya sa muling pagtatag ng iisang kabiserang imperyal, na pinili ang lugar ng sinaunang Bisantino noong 330 (sa kabila ng mga kasalukuyang mga kabisera, na epektibong pinalitan ng mga reporma ni Diocleciano sa Milan sa Kanluran, at ni Nicomedia sa Silangan) upang itayo ang lungsod na tinawag agad bilang Nova Roma (Bagong Roma); napalitan ito sa kalaunan bilang Constantinopla sa kanyang karangalan.
Sa Tsina, nagsimula ang dinastiyang Jin, na pinag-isa ang mga bansa bago ang 280, na mabilis na hinarap ang mga kaguluhan noong simula ng siglo dahil sa panloob na pampolitikang awayan, na nagdulot sa duhapang pag-aalsa ng hilagang barbarong angkan (na sinumulan ang panahon ng Labing-anim na Kaharian), na mabilis na nagapi ang imperyo, na pinuwersa ang korte ng Jin na umatras at nanatili sa timog na lagpas sa ilog Yangtze, na sinimulan ang tinatawag na Silangang Dinastiyang Jin noong 317.
Sang-ayon sa mga arkeologo, inuugnay ng sapat na pang-arkeolohiyang ebidensya ang mga lipunan na nasa antas ng estado ang nagsanib sa ika-4 na siglo upang ipakita ang pagkakaroon sa Korea ng Tatlong Kaharian (300/400–668 AD) ng Baekje, Goguryeo, at Silla.
Maaring tinutukoy ng mga dalubhasa sa kasaysayan ng Imperyong Romano ang "Mahabang Ikaapat na Dantaon" sa isang panahon na tumatagal sa mismong ikaapat na siglo, ngunit nagsimula ng maaga mula sa pag-akyat ni emperador Diocleciano noong 284 at nagtapos noong pagkamatay ni Honorius noong 423 o ni Theodosius II noong 450.[1]
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.