From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang DWFM (92.3 FM), sumasahimpapawid bilang FM Radio 92.3, ay isang himpilan ng radyo na pagmamay-ari ng Nation Broadcasting Corporation at pinamamahalaan ng Philippine Collective Media Corporation, habang nasa ilalim ng pag-apruba ng regulasyon sa paglipat ng mga ari-arian. Ito ang nagsiisilbing punong himpilan ng FM Radio Philippines. Ang estudyo nito ay matatagpuan sa 5th Floor, The Ignacia Place, 155 Mother Ignacia corner, Sgt. Esguerra Ave, Barangay South Triangle, Diliman, Lungsod Quezon, at ang transmiter nito ay matatagpuan sa NBC compound, Block 3, Emerald Hills, Sumulong Highway, Antipolo.
Pamayanan ng lisensya | Lungsod Quezon |
---|---|
Lugar na pinagsisilbihan | Kalakhang Maynila at mga karatig na lugar |
Frequency | 92.3 MHz |
Tatak | FM Radio 92.3 |
Palatuntunan | |
Wika | Filipino, English |
Format | Contemporary MOR, OPM |
Network | Favorite Music Radio |
Pagmamay-ari | |
May-ari | Nation Broadcasting Corporation |
Operator | Philippine Collective Media Corporation (nasa ilalim ng pag-apruba ng regulasyon sa paglipat ng mga ari-arian) |
Radyo 630 | |
Kaysaysayn | |
Unang pag-ere | 1973 |
Dating call sign | DZRU (1998–2007) |
Dating pangalan |
|
Kahulagan ng call sign | Frequency Modulation Favorite Music Radio |
Impormasyong teknikal | |
Awtoridad na naglisensiya | NTC |
Power | 25,000 watts |
ERP | 75,000 watts |
Repeater |
|
Coordinates ng transmiter | |
14°36′25.564″N 121°09′48.557″E | |
Link | |
Webcast | Listen Live |
Website | FM Radio Manila Website |
Pangatlong himpilan na itinatag sa Kalakhang Maynila noong 1973 ang DWFM. Una ito kilala bilang MRS 92.3 (Most Requested Song) na may adult contemporary format. Kilala ito sa pagtugtog ng pinaka hinihiling na kanta kada oras. Dahil dito, naging kabilang sa pinakikinggang himpilan sa Kalakhang Maynila.
Nasa Jacinta Building 1 sa Pasay Road ang una nitong tahanan. Lumipat ito sa NBC Tower/Jacinta Building 2 (na ngayo'y ACQ Tower) sa EDSA, Makati.
Noong Setyembre 1998, binili ng MediaQuest, na pinagmamay-ari ng PLDT, ang NBC mula sa pamilya Yabut family at Manny Villar. Noong Nobyembre, nag-rebrand ang himpilang ito sa Joey @ Rhythms 92.3 na may smooth jazz na format. Nagpalit din ang call letters nito sa DZRU. Si Francis Lumen ang nagsilbing tagapamahala ng himpilang ito. Hindi nagtagal at inangkop ng mga himpilan nito sa iba't iabng probinsya ang format nito.
Noong 2004, naging 923 Joey na binansagang "It's a Groove Thing". Noong Enero 2007, nasa pamamahala ng himpilang ito sina Raymund Miranda and Al Torres.
Noong Linggo ng Pagkabuhay, Abril 8, 2007, muling inilunsad ang himpilang ito bilang 92.3 xFM na nagpatugtog ng downtempo, trip hop and house. Bumalik ang call letters nito sa DWFM. Noong Agosto 2007, nagdagdag ng easy listening sa format nito.
Noong Pebrero 2008, binalik ng himpiliang ito ang smooth jazz na format. Binansagan ito na "Stress Free Radio", "Cool, Hip, Light, Smooth and all that Jazz" at "Light N Up!".[1]
Noong Oktubre 1, 2009, kinuha ng All Youth Channels, na may-ari ng MTV Philippines, ang operasyon ng himpilang ito at ginawa itong U92 na binansagang "Cool To Be U". Meron itong Top 40 na format at kabilang sa mga personalidad nito ay galing sa MTV Philippines. Noong panahong yan, lumipat ito sa Silver City Mall sa Pasig.[2]
Noong Oktubre 1, 2010, namaalam ang U92 sa ere. Noong panahong yan, kinuha ng TV5 (mayoryang bahagi na binili ng MediaQuest noong taong yan) ang operasyon ng himpilang ito.
Noong Nobyembre 8, 2010, muling inilunsad ang himpilang ito bilang Radyo5 92.3 News FM na may news/talk na format. Noong panahong yan, lumipat ito sa TV5 Studio Complex in Novaliches, Quezon City. Kabilang ito sa pagpalawig sa News5 ng TV5.[3][4] Kabilang sa mga personalidad ng Radyo5 ay galing sa iba't ibang mga himpilan sa AM.
Sa loob ng halos ng anim na buwan, naging pang-apat ang Radyo5 sa pinakikinggang himpilan sa FM sa Kalakhang Manila. Ito rin ang pinaka pinakikinggan ng mga pampublikong sasakyan.[5][6][7]
Noong Disyembre 23, 2013, muli itong lumipat sa TV5 Media Center sa Mandaluyong.[8]
After the shutdown of AksyonTV on January 13, 2019, Radyo5 programs began broadcasting in a Cignal-exclusive "teleradyo" channel, One PH, which was initially launched on February 18 and officially launched on July 31. Coinciding with the said launch, Radyo5 was added with new studios and programs, and re-extended its weekday broadcast hours.
Noong Nobyembre 8, 2022, sa kasagsagan ng ika-12 na anibersaryo ng himpilang ito, binansagan ito bilang "Ito ang Totoong Tunog ng Serbisyo Publiko". Sa trade launch ng TV5, inanunsyo ng Radyo5 ang muli nitong paglunsad sa Enero 23, 2023, kasabay ang mga bago nitong programa.[9]
Noong Marso 8, 2023, pinalitan ng Radyo5 ang sub-brand nito sa True FM at binansagan ito na "Dito Tayo sa Totoo!".[10]
On May 1, 2024, itinatag ng Radyo5 ang isa pang TeleRadyo na himpilang ekslusibo sa Cignal na True FM TV sa Channel 19.
Noong Nobyembre 4, 2024, namaalam ang True FM sa talapihitang ito, na may kasamang mensaheng pamamaalam mula sa NBC, TV5, at True Network.
Noong Oktubre 2024, binili ng PCMC ang mga himpilan sa FM na pinag-arian ng Nation Broadcasting Corporation (NBC), na may-ari ng mga talapihitan na ginagamit ng Radyo5. Bilang bahagi ng kasunduan nila habang nasa ilalim ng pag-apruba ng regulasyon sa paglipat ng mga ari-arian, kukunin ng PCMC ang operasyon ng mga himpilan sa FM ng NBC, maliban sa mga himpilan nito sa Cebu at Cagayan de Oro.[11][12][13]
Noong Nobyembre 4, 2024, 5:00 ng umaga, inilunsad ang FM Radio 92.3 mula sa tahanan nito sa Diliman, Quezon City. Ang Good Vibes Morning ay ang una nitong programa.
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.