From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang DWDB-TV, UHF kanal 27, ay isang estasyong pantelebisyon sa Kalakhang Maynila. Pagmamay-ari ito ng GMA Network, kasalukuyang ineere dito ang GMA News TVito ang kauna-unahang estasyon sa UHF na ginamit ng isang kilalang estasyon dito sa Pilipinas. Ang kanilang studio ay matatagpuan sa GMA Network Center sa Lungsod ng Quezon. Ang kanilang operasyon ay tuwing alas-6 ng umaga hanggang alas-12 ng hatinggabi.
Maaring nakompromiso ang ganap na kawastuhan ng katotohanan ng artikulong ito dahil sa hindi naisapanahon na impormasyon. (December 2011) |
Metro Manila Philippines | |
---|---|
Lungsod ng Lisensiya | Quezon City |
Mga tsanel | Analogo: 27 (UHF) Dihital: DZBB-TV 15 (UHF; ISDB-T) (test broadcast) Birtuwal: 7.02 |
Tatak | GTV-27 Manila |
Islogan | Keeping It GOOD |
Pagproprograma | |
Mga tagasalin | See list |
Kaanib ng | GTV |
Pagmamay-ari | |
May-ari | GMA Network, Inc. |
Mga kapatid na estasyon | |
Kasaysayan | |
Unang pag-ere |
|
Dating mga tatak pantawag | DZOE-TV (2005–2019) |
(Mga) dating numero ng tsanel |
|
Dating kaanib ng |
|
Kahulugan ng call sign | DW Double B (the written spelling of BB, the callsign for DZBB-TV and DZBB-AM) |
Impormasyong teknikal | |
Awtoridad na naglilisensya | NTC |
Kuryente | 30 kW |
Lakas ng transmisor | 120 kW |
Mga koordinado ng transmisor | 14°40′12″N 121°3′0″E |
Mga link | |
Websayt | GTV |
Uri | Subsidiary |
---|---|
Industriya | Mass media |
Itinatag | 27 Agosto 1995 |
Nagtatag | Menardo Jimenez |
Punong-tanggapan | GMA Network Center, EDSA cor. Timog Ave., Diliman, Quezon City, Philippines, Philippines |
Pinaglilingkuran | Worldwide |
Pangunahing tauhan | Felipe L. Gozon (Chairman and CEO) Gilberto Duavit Jr. (President and COO) |
Produkto | GMA News TV
Formerly: QTV Channel V Philippines |
Serbisyo | Television production and distribution; design, construction and maintenance of sets for TV, stage plays and concerts; transportation and manpower services |
Magulang | GMA Network Inc. |
Subsidiyariyo | Script2010, Inc. |
Website | gmanetwork.com |
Nagsimula ang kanilang operasyon noong 27 Agosto 1995, na pinangalanan nila itong Citynet Television (o mas kilala sa Citynet). Ang estasyong ito ay pinalabas ng GMA Network bilang isang independent na estasyon. Ang gustong mangyari ng GMA-7 ay gamitin ang Citynet 27 bilang isang kanal na mag-pasok ng ibang palabas sa labas ng bansa (karamihan nito ay galing sa Estados Unidos). Ilan sa mga ito ay isinaling-Ingles na Hispanikong telenobela Ka Ina. Ang tanging nagawang lokal na palabas lamang nito ay Citynet Television News na binuo ng GMA News and Public Affairs.
Sa kasamaang-palad, dahil na din sa sobrang mahal na gastusin para ipalabas pa ang mga ito, ang UHF 27 ay pinalitan nila bilang isang estasyon ng tugtugang may bidyo, at pinangalanan nila ito bilang EMC (Entertainment Music Channel) noong 1999. Ito din ang kauna-unahang estasyon na ginawa ng lokal dito sa Pilipinas. Ilang buwan ang nakalipas, ang GMA ay nagkaroon ng kasunduan mula sa Asyanong brodkast na estasyon, STAR TV upang payagang gamitin ang DWDB bilang taga-ere ng Channel V Philippines, kung saan nagsimula din ito noong 19 Disyembre 1999. Noon din, ang GMA ay nagpalabas na din ng mga piling programa ng Channel V mula sa internasyonal na bersyon nito. Pero ang kasunduang ito ay hindi nagtagal dahil ang ilang stake ng GMA ay binili ng PLDT, na kung saan sila ay brodkaster din ng MTV Philippines gamit ang estasyon ng NBC at ng magulang ng kompanyang ito, MediaQuest Holdings. Dahil na din sa sobrang higpit ng labanan ng dalawang estasyon na ito, ang Channel V Philippines, kasabay ang kanal na ito ay nagsara noong 2001.
Sa kasalukuyan, plano nang gamitin ang kanal na ito ng GMA Network bilang digital na broadkaster nito sa Kalakhang Maynila. Ang kanal na ding ito ang magsisilbing repeater ng estasyong GMA News TV na kung saan kasalukuyang ineere ito sa VHF 11.
Nitong ika-24 ng Abril 2019, inanunsyo ng GMA Network / Citynet at ZOE Broadcasting Network na tuluyan ng tatapusin ng magkabilang-panig ang kanilang kasunduan at pag-okupa ng VHF 11 sa loob ng mahigit labing-apat na taon. Ang istasyong ito ay muling nagbalik sa ika-4 ng Hunyo 2019, at ito'y nagsisilbing bagong tahanan ng GMA News TV. Sa kabilang banda, nagpatuloy pa ding mag-ere ang dati nitong tahanan matapos mapag-alaman na hindi pala naabisuhan ang ZOE na dapat ay wala na sila sa ere ng araw na yun, hanggang sa tuluyan ng naging inaktibo ng sumunod na araw.
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.