Cremona
From Wikipedia, the free encyclopedia
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Cremona ( /krɪˈmoʊnə/,[3][4] din NK /krɛˈʔ/;[5] Italyano: [kreˈmoːna]; Cremunés: Cremùna; Emiliano: Carmona) ay isang lungsod at comune sa hilagang Italya, na matatagpuan sa rehiyon ng Lombardia, sa kaliwang pampang ng ilog Po sa gitna ng Pianura Padana (Lambak Po). Ito ang kabesera ng lalawigan ng Cremona at ang luklukan ng mga lokal na pamahalaan ng lungsod at lalawigan. Ang lungsod ng Cremona ay partikular na kilala para sa kasaysayan at tradisyon ng musika, kabilang ang ilan sa mga pinakauna at pinakakilalang luthier, tulad nina Giuseppe Guarneri, Antonio Stradivari, Francesco Rugeri, Vincenzo Rugeri, at ilang miyembro ng pamilyang Amati.[6]
Cremona Cremùna (Lombard) | |||
---|---|---|---|
Comune di Cremona | |||
Panorama ng Cremona Tanaw ng Cremona | |||
| |||
Mga koordinado: 45°08′N 10°02′E | |||
Bansa | Italya | ||
Rehiyon | Lombardia | ||
Lalawigan | Cremona (CR) | ||
Pamahalaan | |||
• Mayor | Gianluca Galimberti (PD) | ||
Lawak | |||
• Kabuuan | 70.49 km2 (27.22 milya kuwadrado) | ||
Taas | 47 m (154 tal) | ||
Populasyon (2018-01-01)[2] | |||
• Kabuuan | 72,077 | ||
• Kapal | 1,000/km2 (2,600/milya kuwadrado) | ||
Demonym | Cremonesi | ||
Sona ng oras | UTC+1 (CET) | ||
• Tag-init (DST) | UTC+2 (CEST) | ||
Kodigong Postal | 26100 | ||
Kodigo sa pagpihit | 0372 | ||
Kodigo ng ISTAT | 019036 | ||
Santong Patron | San Homobonus | ||
Saint day | Nobyembre 13 | ||
Websayt | Opisyal na website |
Ang Katedral ng Cremona kasama ang katabing Binyagan ay bumubuo ng isa sa mga pinakakilalang lugar para sa Romaniko-Gotikong sining sa hilagang Italya.
Ang iba pang mga simbahan ay kinabibilangan ng:
Ang ekonomiya ng Cremona ay malalim na nakaugnay sa produksiyon ng agrikultura sa kanayunan. Kabilang sa mga industriya ng pagkain ang inasnan na karne, matamis (torrone), mga langis ng gulay, grana padano, provolone, at "mostarda" (kinending prutas sa maanghang na syrup na lasang mustasa, na inihain kasama ng mga karne at keso). Kabilang sa mga mabibigat na industriya ang bakal, langis at isang planta ng koryente. Ang ilog-daungan ay isang base para sa mga barge na nagdadala ng mga kalakal sa tabi ng ilog Po.
Ang estasyon ng tren ng Cremona, na binuksan noong 1863, ay isang dulo ng anim na linya ng tren, na lahat ay panrehiyon (malamabilis) o lokal na mga serbisyo.
Ang Cremona ay kakambal sa:
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.