Ang Chavacano o Chabacano ay isang pangkat ng wikang kriolyo na batay sa Kastila na sinasalita sa Pilipinas. Ang baryante na sinasalita sa Lungsod ng Zamboanga, na matatagpuan sa timugang Pilipinong grupo ng isla ng Mindanao ay may pinakamaraming nagsasalita. Mahahanap ang mga ibang nabubuhay na uri nito sa Lungsod ng Cavite at Ternate, na matatagpuan sa lalawigan ng Cavite sa pulo ng Luzon.[3] Chavacano ang nag-iisang kriolyo batay sa Kastila sa Asya.[4]
Chavacano | |
---|---|
Chabacano | |
Katutubo sa | Pilipinas |
Rehiyon | Lungsod ng Zamboanga at Basilan (Zamboangueño), Lungsod ng Cavite (Caviteño) at Ternate, Cavite (Ternateño) |
Pangkat-etniko | Zamboangueño Pilipino sa Indonesia Pilipino sa Malaysia Pilipinong Amerikano |
Mga natibong tagapagsalita | (689,000 ang nasipi 1992)[1][2] |
Spanish-based creole
| |
Latin (Alpabetikong Espanyol) | |
Opisyal na katayuan | |
Kinikilalang wika ng minorya sa | |
Mga kodigong pangwika | |
ISO 639-3 | cbk |
Glottolog | chav1241 |
Linguasphere | 51-AAC-ba |
Bahagi kung saan sinasalita ang Chavacano | |
Naiiba ang mga uri ng Chavacano sa tiyak na aspekto tulad ng talasalitaan ngunit sa pangkalahatan ay nagkakaintidihan ang mga nagsasalita ng mga uring ito, lalo na sa mga kalapit ng uri. Habang nagmumula sa Kastila ang karamihan ng leksikon ng mga iba't ibang uri ng Chavacano, magkatulad ang kanilang mga pambalarilang istruktura sa mga ibang wikang Pilipino. Kabilang sa mga wika ng Pilipinas, ito lamang ang hindi wikang Austronesyo, ngunit tulad ng mga wikang Malayo-Polynesyo, gumagamit ito ng reduplikasyon.
Nagmumula ang salitang Chabacano mula sa Kastila, na halos nangangahulugan ng “malaswa” o “bulgar”, ngunit walang negatibong konotasyon ang salita sa mga kasalukuyang nagsasalita at at nawala ang orihinal na kahulugan nito mula sa Kastila.
Distribusyon at mga baryante
Mga baryante
Nakapagbiling ang mga dalub wika ng anim na Kastilang kriolyong baryante sa Pilipinas. Nakabatay ang kanilang pag-uuri sa kanilang wikang sustrato at sa lugar kung saan sila sinasalita. Ang tatlong kilalang baryante ng Chavacano kung saan Tagalog ang kanilang wikang sustrato ay mga kriolyong batay sa Luzon ay Caviteño (sinasalita sa Lungsod ng Cavite), Bahra o Ternateño (sinasalita sa Ternate, Cavite) at Ermiteño (na dating sinalita sa lumang distrito ng Ermita sa Manila at ay lipol ngayon).
Uri | Tagpuan | Katutubong nagsasalita |
---|---|---|
Zamboangueño (Zamboangueño/Zamboangueño Chavacano/Chabacano de Zamboanga) | Lungsod ng Zamboanga, Basilan, Sulu, Tawi-Tawi, Zamboanga del Sur, Zamboanga del Norte, Zamboanga Sibugay | 359,000 (Rubino 2008, sinisipi ang senso noong 2000)[5] |
Caviteño (Chabacano di Nisos/Chabacano de Cavite) | Cavite | 4,000 (2013)[5] |
Cotabateño (Chabacano de Cotabato) | Lungsod ng Cotabato, Maguindanao | N/A |
Castellano Abakay (Chabacano de Davao) | Rehiyon ng Davao, Lungsod ng Davao | N/A |
Ternateño (Bahra) | Ternate | 3,000 (2013)[5] |
Ermiteño (Ermitense) | Ermita | Lipol |
Mayroong mga teorya kung paano nagbago ang mga iba't ibang baryante ng Chavacano at kung paano sila nauugnay sa isa't isa. Ayon sa mga ibang dalubwika, pinaniniwalaan na naimpluwensiyahan ang Chabacano de Zamboanga ng Chabacano de Cavite na napatunayan ng mga tanyag na pamilyang Zamboangueño na nagmula sa mga opisyal ng Hukbong Kastila (mula sa Espanya at Amerikang Latino), lalo na sa mga mestizo de Caviteño, na nakapuwesto sa Fort Pilar noong ika-19 na siglo. Noong kinalap ng mga Caviteñong opisyal ang mga manggagawa at tekniko mula sa Iloilo para patakbuhin ang kanilang mga tubuhan at palayan para bawasan ang dependensya ng lokal na populasyon mula sa Donativo de Zamboanga, ipinapataw ng buwis ang mga tagapulo ng kolonyal na pamahalaan ng Kastila upang suportahan ang pagtatakbo ng muog. Sa kasunod na pandarayuhan ng mga Ilonggong mangangalakal sa Zamboanga, nakakuha ng mga salitang Ilonggo ang Zamboangueño habang lumagom ang naunang mandarayuhang komunidad.[6]
Karamihan sa mga nagmumukhang salitang Bisaya sa Zamboangueño ay salitang Ilonggo sa katotohanan. Kahit nagsimula ang pakikisama ng Zamboangueño sa Bisaya nang mas maaga noong nakapuwesto ang mga Cebuanong sundalo sa Fort Pilar noong panahong kolonyal ng Kastila, bumilis lamang noong ang mga paghiram mula sa Bisaya noong mas malapit sa gitna ng ika-20 siglo mula sa paglipat mula sa Visayas pati na rin ang kasalukuyang paglipat mula sa mga ibang lugar kung saan sinasalita ang Bisaya sa Tangway ng Zamboanga.
Sinasalita ang Zamboangueño (Chavacano) sa Lungsod ng Zamboanga, Basilan, mga bahagi ng Sulu at Tawi-Tawi, at Zamboanga del Sur, Zamboanga Sibugay at Zamboanga del Norte. Chabacano de Zamboanga ang pinakadinamikong sinasalitang wika ng Pilipinong Kriolyong Espanyol. Ginagamit ito bilang lingua franca ng mga Muslim at Kristiyano sa mga komunidad ng Timog-kanlurang Mindanao at mga Kapuluan ng Basilan. Kumalat ang kanyang impluwensiya sa mga ibang isla sa kanluran, tulad ng mga Kapuluang Jolo, pati na rin sa Cotabato at Davao sa Mindanao, at sa huli sa timog sa Malaysia.[7] Ang mga ibang uri ng Chavacano kung saan Bisaya ang kanilang pangunahing wikang substrato ay ang mga kriolyong nakabase sa Mindanao. Kabilang dito ang Castellano Abakay o Chavacano de Davao (sinasalita sa mga ibang lugar sa Davao), na naimpluwensya ng Tsino at Hapones, at nakahati sa dalawang subdayalekto, Castellano Abakay Chino at Castellano Abakay Japón, at Cotabateño (sinasalita sa Lungsod ng Cotabato). Magkatulad ang Cotabateño at Davaoeño sa Zamboangueño.
Mga katangian
Ang mga wikang Chavacano sa Pilipinas ay mga kriolyo batay sa Espanyol Mehikano at posible rin sa, Portuges. Sa mga ibang wikang Chavacano, magkatulad ang karamihan ng mga salita sa Espanyol Andalus, ngunit marami ang mga salitang hiniram mula sa Nahuatl, isang katutubong wika ng Gitnang Mehiko, na hindi mahahanap sa Espanyol Andalus. Kahit karamihan sa bokabularyo ay Mehikano, nakabatay ang kanyang balarila sa mga ibang wikang Pilipino, lalo na sa Ilonggo, Tagalog at Bisaya. Sa pamamagitan ng Kastila, mayroon ding mga impluwensiya ang kanyang talasalitaan mula sa mga wika ng Amerikanong Indiyano tulad ng Nahuatl, Taino, Quechua, atbp. na napapatunayan ng mga salitang chongo (unggoy, sa halip ng Kastilang 'mono'), tiange, atbp.[kailangan ng sanggunian]
Salungat sa mga dayalektong nakabase sa Luzon, ang baryanteng Zamboangueño ay may pinakamaraming paghiram at/o impluwensiya mula sa mga iba pang Pilipinong wikang Austronesyo kabilang ang Hiligaynon at Tagalog. Mayroong mga salita mula sa Malay ang Zamboangueño; kasama ito kahit hindi ito katutubong wika ng Pilipinas, naging lingua franca ito ng tagatabing-dagat na Timog-silangang Asya. Dahil sinasalita rin ang Zamboangueño ng mga Muslim, mayroon ding mga hiniram na sinalita ito mula sa Arabe, pinakaraniwan dito ang mga salitang may kinalaman sa Islam. Gayunpaman, mahirap sinagin kung nagmumula ang mga salitang ito sa lokal na populasyon o sa Kastila mismo, dahil may 6,000 salita sa Kastila na may pinagmulang Arabe. Mayroon ding mga salita ang Chavacano na may pinagmulang Persa na pumasok sa Chavacano sa pamamagitan ng Malay at Arabe; wikang Indo-Europeo silang dalawa.
Demograpiko
Mahahanap ang pinakamaraming bilang ng nagsasalita ng Chavacano sa Lungsod ng Zamboanga at sa lalawigang pulo ng Basilan. Mayroon ding makabuluhang bilang ng mga nagsasalita ng Chavacano sa Lungsod ng Cavite at Ternate. Mayroon ding mga nagsasalita sa mga ilang lugar sa mga lalawigan ng Zamboanga del Sur, Zamboanga Sibugay, Zamboanga del Norte, Davao, at sa Lungsod ng Cotabato. Ayon sa opisyal na senso ng Pilipinas noong 2000, mayroong 607,200 nagsasalita ng Chavacano sa Pilipinas sa taong iyon. Posibleng mas mataas ang tiyak na numero dahil lubos na nilalampasan ang pigura mula sa senso ang populasyon ng Lungsod ng Zamboanga noong 2000, kung saan pangunahing wika ang Chavacano. Bilang karagdagan, hindi rin kasama sa pigura ang mga nagsasalita ng Chavacano sa diaspora ng Pilipino. Sa kabila nito, Zamboangueño ang baryante na may pinakamaraming nagsasalita, dahil ito ang opisyal na wika ng Lungsod ng Zamboanga, na may ipinapalagay na populasyon na higit sa milyon sa kasalukuyan na opisyal na wika rin sa Basilan.
Makahahanap ng mga nagsasalita ng Chavacano sa mga ibang lugar sa Sabah dahil naging sa ilalim ito ng bahagyang soberanya ng Espanya at sa pamamagitan ng mga Pilipinong tumatakas mula sa Tangway ng Zamboanga at mga lugar na nakararami ang Muslim sa Mindanao tulad ng Kapuluan ng Sulu.
Sinasalita rin ito ng mga kaunting katutubong tao ng Zamboanga at Basilan, tulad ng mga Tausugs, the Samal, and the Yakan, karamihan ng mga taong iyon ay Sunni. Sa mga katabing probinsya ng Sulu at Tawi-Tawi, mayroong mga Muslim na nagsasalita ng Chavacano de Zamboanga, lahat sila ay kapit-bahay ng mga Kristiyano. Mayroon ding mga nagsasalita ng Chavacano de Zamboanga, mga Kristiyano at Muslim, sa Lanao del Norte at Lanao del Sur. Nagsasalita rin ang mga Kristiyano at Muslim sa Maguindanao, Sultan Kudarat, Cotabato, Timog Cotabato, Lungsod ng Cotabato, at Saranggani ng Chavacano de Zamboanga. Tandaan na naging bahagi ng buhay-alamang na Republika ng Zamboanga, ang Tangway ng Zamboanga, Basilan, Sulu, Tawi-tawi, Maguindanao, Lungsod ng Cotabato, Soccsksargen (rehiyon na binubuo ng Sultan Kudarat, Cotabato, Timog Cotabato, at Saranggani) at Rehiyon ng Davao, kung saan pinili ang Chavacano bilang wikang opisyal.
Kahalagahan sa lipunan
Halos pasalitang wika ang Chavacano. Sa nakaraan, limtado ang paggamit nito sa panitikan at higit sa lahat nakakulong sa heograpikal na lokasyon kung sinasalita ang isang partikular na baryante. Mas ginagamit ito bilang pasalitang wika kaysa sa wikang pampanitikan kumpara sa paggamit ng Kastila sa Pilipinas, kung saan mas matagumpay siya bilang wikang sinulat kaysa sa wikang sinasalita. Kamakailan lamang, mayroong mga tangka para hikayatin ang paggamit ng Chavacano bilang wikang pansulat, ngunit karamihan sa mag tangka ay maliit na pagtangka sa alamat at panitikang pang-relihiyon at ilang mga sinaulat sa medya ng paglilimbag. Sa Lungsod ng Zamboanga, habang ginagamit ang wika ng midyang pangmasa, Simbahang Katoliko, edukasyon, at pamahalaang lokal, kaunti lamang ang mga panitikan na sinulat sa Zamboangueño at hindi agad-agad makahahanap ang publiko ng mga rekurso tungkol dito. Dahil sinasalita ang Chavacano ng mga Muslim bilang ikalawang wika hindi lamang sa Lungsod ng Zamboanga at Basilan ngunit sa Sulu at Tawi-tawi rin, inilalathala ang ilang mga libro ng Qur'an sa Chavacano.
Mga halimbawa
Zamboangueño
- Donde tu hay anda?
- Kastila: ¿A dónde vas?
- (‘Saan ka pupunta?’)
- Ya mirá yo con José.
- Kastila: Yo vi a José.
- (‘Nakita ko si José.’)
- Ya empezá ele buscá que buscá entero lugar con el sal.
- Kastila: El/Ella empezó a buscar la sal en todas partes.
- (‘Nagsimula siyang maghanap sa lahat ng dako para sa asin.’)
- Ya andá ele na escuela.
- Kastila: El/Ella se fue a la escuela.
- (‘Pumunta siya sa paaralan.’)
- Si Mario ya dormí na casa.
- Kastila: Mario durmió en la casa.
- (‘Natulog si Mario sa loob ng bahay.’)
- El hombre, con quien ya man encuentro tu, es mi hermano.
- Kastila: El hombre que encontraste, es mi hermano.
- (Ang lalaki na iyong nakilala ay aking kapatid.)
- El persona con quien tu tan cuento, bien alegre gayot.
- Kastila: La persona con la que estás hablando es muy alegre. / La persona con quien tú estás conversando es bien alegre.
- (Talagang masaya ang taong kausap mo.)
Isa pang halimbawa ng Zamboangueño
Zamboangueño | Kastila | Tagalog |
---|---|---|
Treinta y cuatro kilometro desde el pueblo de Zamboanga el Bunguiao, un diutay barrio que estaba un desierto. No hay gente quien ta queda aquí antes. Abundante este lugar de maga animales particularmente maga puerco 'e monte, gatorgalla, venao y otro más pa. Solamente maga pajariadores lang ta visitá con este lugar. | El Bunguiao, a treinta y cuatro kilómetros desde el pueblo de Zamboanga, es un pequeño barrio que una vez fue un área salvaje. No había gente que se quedara a vivir ahí. En este lugar había en abundancia animales salvajes tales como cerdos, gatos monteses, venados, y otros más. Este lugar era visitado únicamente por cazadores de pájaros. | Ang Bunguiao, isang maliit na baranggay na tatlumpung apat na kilometro mula sa lungsod ng Zamboanga, ay dating kasukalan. Walang taong naninirahan dito. Managana ang pook ng mga mabangis na hayop tulad ng mga baboy, musang, usa, at iba pa. Binisita lamang ang lugar ng mga mangangaso ng ibon. |
Ermiteño
En la dulzura de mi afán,
Junto contigo na un peñon
Mientras ta despierta
El buan y en
Las playas del Pasay
Se iba bajando el sol.
Yo te decía, "gusto ko"Tu me decías, "justo na"
Y de repente
¡Ay nakú!
Ya sentí yo como si
Un asuáng ta cercá.
Que un cangrejo ya corré,Poco a poco na tu lao.
Y de pronto ta escondé
Bajo tus faldas, ¡amoratáo!
Cosa que el diablo hacé,Si escabeche o kalamáy,
Ese el que no ta sabé
Hasta que yo ya escuché
Fuerte-fuerte el voz: ¡Aray!
Talasalitaan
Anyo at estilo
Ang Chavacano (lalo na ang Zamboangueño) ay may dalawang rehistro o sosyolekto: ang karaniwan, kolokyal, bulgar o pamilyar at ang pormal na rehistro/sosyolekto. Sa pangkalahatan, mas malapit ang rehistrong pormal sa Kastila, at mas malapit ang rehistrong kolokyal sa mga katutubong wikang Austronesyo. Sa rehistrong/sosyolektong karaniwan, kolokyal, bulgar, o pamilyar, nangngingibabaw ang mga salitang may lokal na pinagmulan o halo ng salitang lokal at Kastila. Karaniwang ginagamit ang rehistrong karaniwan o pamilyar kung nakikipag-usap sa mga taong may pantay na kalagayan o mas mababang kalagayan sa lipunan. Mas madalas din siyang ginagamit sa pamilya, kaibigan at kakilala. Tinatanggap ang paggamit ito sa pangkalahatan.
Sa rehistrong/sosyolektong pormal, nangngingibabaw ang mga salitang mula sa Kastila o mga salitang Kastila. Ginagamit ang rehistrong pormal lalo na kapag nagsasalita sa mga taong may mas mataas na kalagayan sa lipunan. Ginagamit din ito kapag nakikipag-usap sa mga matatanda (lalo na sa loob ng pamilya at mga matandang kamag-anak) at sa mga may awtoridad. Mas ginagamit ito ng mga matatandang henerasyon, mestisong Zamboangueño, at sa mga baryo. Ito ang anyong ginagamit sa mga talumpati, edukasyon, midya, at pagsusulat. Pinaghahalo minsan sa ilang antas ng rehistrong pormal ang rehistrong kolokyal.
Ipinapakita ng mga sumusunod na halimbawa ang pagkakaiba ng paggmit ng salitang promal at karniwan o pamilyar na salita sa Chavacano:
Tagalog | Chavacano (pormal) | Chavacano (karaniwan/kolokyal/bulgar/pamilyar) | Kastila |
---|---|---|---|
madulas | resbalozo/resbaladizo | malandug | resbaloso/resbaladizo |
kanin | morisqueta | kanon/arroz | morisqueta (naiintindihan bilang isang Pilipinong putaheng kanin)/arroz |
ulan | lluvia/aguacero | aguacero/ulan | lluvia/aguacero |
putahe | vianda/comida | comida/ulam | vianda/comida |
mayabang | orgulloso(a) | bugalon(a)/ hambuguero(a) | orgulloso(a) |
kotse | coche | auto | auto/coche |
yaya | muchacho (m)/muchacha (f) | ayudanta (babae); ayudante (lalaki) | muchacha(o)/ayudante |
tatay | papá (tata) | pápang (tata) | papá (padre) |
nanay | mamá (nana) | mámang (nana) | mamá (madre) |
lolo | abuelo | abuelo/lolo | abuelo/lolo |
lola | abuela | abuela/lola | abuela/lela |
maliit | chico(a)/pequeño(a) | pequeño(a)/diutay | pequeño/chico |
istorbo | fastidio | asarante / salawayun | fastidio |
matigas ang ulo | testarudo | duro cabeza/duro pulso | testarudo/cabeza dura |
tsinelas | chancla | chinelas | chancla/chinelas |
kasal | de estado/de estao | casado/casao | casado |
(aking) mga magulang | (mis) padres | (mi) tata'y nana | (mis) padres |
pilyo(a) | travieso(a) | guachi / guachinanggo(a) | travieso(a) |
dumulas | rezbalasa/deslizar | landug | resbalar/deslizar |
pangit | feo (masculine)/fea (feminine) | malacara, malacuka | feo(a) |
ambon | lluve | talítih | lluvia |
kidlat | rayo | rayo/quirlat | rayo |
kulog/bagyo | trueno | trueno | trueno |
buhawi | tornado/remolino, remulleno | ipo-ipo | tornado/remolino |
payat (tao) | delgado(a)/flaco(a)/chiquito(a) | flaco/flaquit | delgado/flaco/flaquito |
Tingnan din
Mga sanggunian
Mga kawing panlabas
Wikiwand in your browser!
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.