hari ng United Kingdom mula 2022 From Wikipedia, the free encyclopedia
Si Charles III ng Reyno Unido (ipinanganak noong 14 Nobyembre 1948 bilang Charles Philip Arthur George) ay ang Hari ng labing-anim na malayang bansang kasapi ng Nasasakupang Kakaraniwang-Yaman. Sa kasalukuyan, ang mga ito ay ang Reyno Unido, Kanada, Australya, Bagong Selanda, Hamayka, Barbados, Bahamas, Grenada, Papua Bagong Ginea, Kapuluang Solomon, Tubalu, Santa Lucia, San Vicente at ang Kagranadinahan, Antigua at Barbuda, Belis, at San Cristobal at Niyebes.
Marami pong problema ang artikulong ito. Tulungang mapabuti po ito o di kaya'y talakayin ang mga problemang nakasaad sa pahina ng usapan nito.
|
Charles III | |
---|---|
Hari ng Reyno Unido at Komonwelt ng mga Bansa | |
Paghahari | 8 Setyembre 2022 − kasalukuyan |
Pangalan sa kapanganakan | Charles Philip Arthur George |
Kapanganakan | 14 Nobyembre 1948 |
Lugar ng kapanganakan | Palasyo ng Buckingham, Londres, Reyno Unido |
Sinundan | Elizabeth II |
Konsorte kay | Diana, Princess of Wales (m.1981 div.1996) Camilla, Duchess of Cornwall (m.2005) |
Mga anak | Prince William, Duke of Cambridge Prince Harry of Wales |
Siya ang panganay na anak nina Elizabeth II at Prinsipe Philip, Duke ng Edinburgh[1]. Hinawakan niya ang mga titulo na Prinsipe ng Wales at Earl ng Chester noong 1958 hanggang sa kanyang pag-akyat bilang hari noong 2022.[1]
Ikinasal si Prinsipe Charles sa kaniyang unang asawang si Diana, Prinsesa ng Wales magmula noong 1981 hanggang sa magdiborsiyo sila noong 1996.[1] Nagkaroon sila ng dalawang mga anak na lalaking sina Prinsipe William at Prinsipe Harry. Ikinasal si Charles sa kaniyang pangalawang asawang si Camilla, Dukesa ng Cornwall magmula noong 2005.[1]
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.