Chanel
From Wikipedia, the free encyclopedia
Remove ads
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Chanel ( /ʃəˈnɛl/, Pagbigkas sa Pranses: [ʃanɛl]) ay isang Pranses na tahanan ng moda na nakatuon sa mataas na moda pangkababaihan at mga damit na ready-to-wear, pangkarangyaan, at mga palamuti.[3] Ang kumpanya ay pagmamay-ari nina Alain Wertheimer at Gérard Wertheimer, mga apo ni Pierre Wertheimer, na isang maagang kasosyo sa negosyo ni couturière Coco Chanel. Sa kaniyang kabataan, nakuha ni Gabrielle Chanel ang palayaw na "Coco" mula sa kanyang panahon bilang isang chanteuse. Bilang isang tagadisenyo ng moda, si Coco Chanel ay nagsilbi sa panlasa ng kababaihan para sa kagandahan sa damit, na may mga blusa, suit, pantalon, damit, at alahas (hiyas at bijouterie) na may simpleng disenyo, na pumalit sa masagana, sobrang disenyo, at mahigpit na damit at palamuti ng moda noong ika-19 na siglo. Ang mga tatak ng produktong Chanel ay naisapersonal ng mga lalaki at babae na mga modelo ng fashion, idolo, at artista, kasama sina Inès de La Fressange, Catherine Deneuve, Carole Bouquet, Vanessa Paradis, Nicole Kidman, Jackie Kennedy, Anna Mouglalis, Audrey Tautou, Keira Knightley, Kristen Stewart, Pharrell Williams, Jennie Kim, Cara Delevingne, at Marilyn Monroe.[4][5]
Uri | Pribado (S.A.S.) |
---|---|
Industriya | Moda |
Itinatag | 1909 | (bilang Bahay ni Chanel)
Nagtatag | Coco Chanel |
Punong-tanggapan |
|
Dami ng lokasyon | 310 |
Pinaglilingkuran | Pandaigdig |
Pangunahing tauhan |
|
Produkto |
|
Kita | US$11 billion (2018)[1] |
Kita sa operasyon | 5,776,000,000 dolyar ng Estados Unidos (2022) |
Netong kita | €1.3 billion[2] (2016) |
Dami ng empleyado | 20,000 (2018) |
Website | chanel.com |
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.