Busto Garolfo

From Wikipedia, the free encyclopedia

Busto Garolfo

Ang Busto Garolfo (Lombardo: Büst Picul) ay isang comune (komuna o munisipalidad) sa Kalakhang Lungsod ng Milan, rehiyon Lombardia, hilagang Italya na may 13,978[1] na naninirahan. Ito ay mga 25 kilometro (16 mi) hilagang-kanluran ng Milan.

Agarang impormasyon Busto Garolfo Büst Picul (Lombard), Bansa ...
Busto Garolfo

Büst Picul (Lombard)
Comune di Busto Garolfo
Thumb
Palazzo Molteni
Thumb
Eskudo de armas
Thumb
Busto Garolfo sa loob ng Kalakhang Lungsod ng Milan
Lokasyon ng Busto Garolfo
Thumb
Thumb
Busto Garolfo
Lokasyon ng Busto Garolfo sa Italya
Thumb
Busto Garolfo
Busto Garolfo (Lombardia)
Mga koordinado: 45°32′52″N 8°53′12″E
BansaItalya
RehiyonLombardia
Kalakhang lungsodMilan (MI)
Mga frazioneOlcella
Pamahalaan
  MayorSusanna Biondi
Lawak
Kamalian ng Lua na sa Module:Wd na nasa linyang 1890: bad argument #1 to 'ipairs' (table expected, got nil).
  Kabuuan12.99 km2 (5.02 milya kuwadrado)
Taas
180 m (590 tal)
Populasyon
 (2018-01-01)Kamalian ng Lua na sa Module:Wd na nasa linyang 1890: bad argument #1 to 'ipairs' (table expected, got nil).
  Kabuuan13,851
  Kapal1,100/km2 (2,800/milya kuwadrado)
DemonymBustesi
Sona ng orasUTC+1 (CET)
  Tag-init (DST)UTC+2 (CEST)
Kodigong Postal
20038
Kodigo sa pagpihit0331
Santong PatronBeata Vergine del Rosario e santa Croce
WebsaytOpisyal na website
Isara

Pinagmulan ng pangalan

Sa lokal na diyalekto, na kabilang sa kanlurang Lombardo, ito ay tinatawag na Büst Picul (Busto Piccola), upang makilala ito mula sa Büsti Gràndi (literal na Busto Grande, na nagpapahiwatig ng lungsod ng Busto Arsizio) at mula sa Büst Cava (Buscate / Büscàa).

Kasaysayan

Thumb
Simbahan ng munisipalidad

Ang unang pagbanggit sa nayon ng Busto Garolfo ay nasa isang dokumento noong 992 AD. Sa pagtatapos ng ika-13 siglo, mayroong tatlong altar bilang parangal kanila San Bartolome, Inocencio, at Margarita, sa sinaunang simbahan ng San Salvatore, na itinayo ng aristokratikong pamilya della Croce na nagmamay-ari ng lupain sa lugar mula noong 1317. Noong 1464, inutusan ni Stefano Della Croce sa kaniyang testamento ang kaniyang mga tagapagmana na magtayo ng isang kapilya bilang parangal sa Birhen sa pangunahing simbahan ng San Salvatore. Noong huling bahagi ng Gitnang Kapanahunan, naging piyudo muna ang Busto Garolfo ng pamilya Maggi, pagkatapos ng pamilya Arconati, at nang maglaon, ng pamilya Losetti. Noong 1664, ipinagbili ni Giambattista Losetti ang bayan kay Giuseppe Arconati, kung saan pinagkalooban ng Hari ng España ang titulong Markes ng Busto Garolfo.

Kakambal na bayan

Ang Busto Garolfo ay ikinambal ni Senise, sa Lalawigan ng Potenza. Ang dahilan ng pagkakaibigang ito, ay ang malakas na presensiya sa Busto Garolfo ng "oriundi" ng bayang Lucania, dumating dito noong mga taon ng pag-unlad ng ekonomiya, kasama ang mga imigrasyon mula sa Timog.

Mga sanggunian

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.