Burj Khalifa
gusaling tukudlangit sa Dubai From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Burj Khalifa (Arabo: برج خليفة "Khalifa Tower"),[2] dating kilala bilang Burj Dubai, ay isang gusaling tukudlangit sa Dubai, Mga Pinag-isang Arabong Emirado, at ang pinakamataas na istrukturang gawa ng tao, na may taas na 828 m (2,717 tal).[2] Nagsimula ang paggawa dito noong 21 Setyembre 2004, kung saan natapos ang labas ng istruktura noong 1 Oktubre 2009 at opisyal na napasinayaan ang nasabing gusali noong 4 Enero 2010.[3][4] Ang gusali ay bahagi ng 2 km2 (490-akre) na pagpapaunlad na tinatawag na Downtown Burj Khalifa sa "First Interchange" sa kahabaan ng Sheikh Zayed Road, malapit sa pangunahing distrito ng negosyo ng Dubai. Ang arkitekto at inhenyiro ng gusali ay ang Skidmore, Owings and Merrill, LLP (Chicago).[5] Si Bill Baker, ang Chief Structural Engineer para sa proyekto ang nag-imbento sa buttressed na pangunahing sistema ng pagkakayari para makamit ng gusali ang ganoong taas. Si Adrian Smith, na nagtrabaho para sa Skidmore, Owings and Merrill (SOM) hanggang 2006, ang kaagapay sa desinyo ng proyekto.[5][6]
Burj Khalifa | |
---|---|
برج خليفة | |
![]() Ang Burj Khalifa noong 23 Disyembre 2009 | |
![]() | |
Dating pangalan | Burj Dubai |
Rekord na kataas | |
Pinakamataas sa mundo mula noong 2009[I] | |
Pinangunahan ng | Taipei 101 |
Pangkalahatang impormasyon | |
Katayuan | Natapos |
Uri | Mixed-use |
Estilong arkitektural | Neo-futurism |
Kinaroroonan | Dubai |
Pahatiran | 1 Sheikh Mohammed bin Rashid Boulevard |
Bansa | United Arab Emirates |
Mga koordinado | 25°11′49.7″N 55°16′26.8″E |
Ipinangalan kay | Sheikh Khalifa |
Sinimulan | 6 Enero 2004 |
Topped-out | 17 Enero 2009 |
Natapos | 1 Oktubre 2009 |
Binuksan | 4 Enero 2010 |
Halaga | US$1.5 billion |
May-ari | Emaar Properties |
Taas | |
Arkitektural | 828 m (2,717 tal) |
Dulo | 829.8 m (2,722 tal) |
Pinakaitaas na palapag | 584.5 m (1,918 tal) |
Obserbatoryo | 555.7 m (1,823 tal) |
Teknikal na mga detalye | |
Sistema ng kayarian | Pinatibay na kongkreto, asero, at aluminyo |
Bilang ng palapag | 154 + 9 maintenance |
Lawak ng palapad | 309,473 m2 (3,331,100 pi kuw) |
Lifts/elevators | 57 |
Disenyo at konstruksiyon | |
Arkitekto | Adrian Smith |
Kumpanya ng arkitektura | Skidmore, Owings & Merrill |
Inhinyero ng kayarian | Bill Baker |
Pangunahing kontratista | Samsung C&T |
Iba pang impormasyon | |
Parking | 2 subterranean levels |
Websayt | |
burjkhalifa.ae | |
Mga sanggunian | |
[1] |
Mga sanggunian
Mga kawing panlabas
Wikiwand - on
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.