Bulalakaw
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang bulalakaw,[1] bituing-alpas o meteoroyd[n 1] ay isang maliit na mabato o metalikong bagay sa kalawakan. Nabubuo ang bulalakaw dahil sa pagbabangaan ng mga planeta at ang ilan sa mga ito ay nakakapasok sa Daigdig o sa ibang planeta.


Sa Ingles, tinatawag itong meteoroid na isang katawagan para sa mga partikulong sinlaki ng buhangin hanggang malalaking bato (hanggang isang metro ang haba[2]) na makikita sa Sistemang Solar.[3][4] Lubhang mas maliit ang meteoroid sa asteroyd.[2] Tinatawag na meteor ang nakikitang daanan ng isang meteoroid na pumapasok sa himpapawid ng mundo (o sa ibang himpapawid ng ibang planeta).[5] Sa Tagalog, tinatawag na "bulalakaw" ang parehong meteor at meteoroid. Tinatawag din minsan ang parehong asteroyd at kometa bilang "bulalakaw."[6] Kung ang isang bulalakaw ay nakaabot sa lupa at nakaligtas sa pagsabog, tinatawag na itong meteorite o taeng-bituin.
Mga pananda
- Maaring baybayin na metyoroyd
Mga sanggunian
Wikiwand - on
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.