Remove ads
From Wikipedia, the free encyclopedia
Sa biolohiya ng selula, ang isang besikulo (Ingles: vesicle) ay isang bula sa loob ng selula at kaya ay isang uri ng organelo. Ito ay sinasarhan at pinapalibutan ng isang lipidong bilayer at ito ay maaaring mabuok ng natural halimbawa sa endositosis(pagsisipsip ng protina). Sa alternatibo, ito ay maaaring ihanda ng artipisyal kapag ang mga ito ay tinatawag na mga liposoma. Kung taning may isang pospolipidong bilayer, ang mga ito ay tinatawag na mga besikulong unilamelyar; kundi ang mga ito ay tinatawag na mga multilamelyar. Ang membranong pumapalibot sa besikulo ay katulad ng membranong plasma at ang mga besikulo ay maaaring sumanib sa membrano ng plasma upang maglabas ng mga nilalaman nito sa labas ng selula. Ang mga besikulo ay maaaring sumanib sa ibang mga organelo sa loob ng selula. Ang mga besikulo ay maaaring gumawa ng maraming mga bagay. Dahil ito ay nahihiwalay mula sa sitosol, ang loob ng besikulo ay maaaring gawin na iba iba mula sa kapaligirang sistosoliko. Sa dahilang, ang mga besikulo ay mga basikong kasangkapan na ginagamit na selula sa pangangasiwa ng mga substansiyang selular. Ang mga besikulo ay maaaring sumangkot sa metabolismo, pagkontrol sa paglutang at pag-iimbak ng ensima.[1] Ang mga ito ay maaaring umasal bilang mga kahong reaksiyong kemikal.
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.